in

Regolarizzazione: Uri ng kontrata, oras ng trabaho at halaga ng sahod para sa colf at caregiver

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

Anong uri ng kontrata ang dapat gawin ng employer? Ilang oras ang trabaho at magkano ang dapat na sahod ng colf at caregiver?

Napapaloob sa Emersione ang pagkakataong gawing regular ng mga employer ang trabaho ng mga colf at caregiver at pagkatapos nito ay ang pagreregular din sa pananatili sa bansa sa pamamagitan ng permesso di soggiorno.

Batay sa ministerial decree, matapos bayaran ng employer ang ‘contributo forfettario’ na nagkakahalaga ng 500,00, gamit ang F24 (REDT 2020) ay maaaring ipapadala ang aplikasyon sa website ng Ministry of Interior: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/, gamit ang SPID.

Bukod sa personal information ng employer at worker, sa aplikasyon ay ilalagay rin ang employment proposal kung saan tutukuyin ang uri ng kontrata o ang rapporto di lavoro. Ito ay maaaring: 

  • Convivente o Non-Convivente;
  • Tempo Determinato o Tempo Indeterminato.

Samantala, ang oras naman ng trabaho sa isang linggo ay maaaring mula sa minimum na 20 oras hanggang sa maximum na 54 oras. 

la durata del contratto di lavoro e la retribuzione convenuta, non inferiore a quella prevista dal contratto collettivo di lavoro di riferimento” – DL Rilancio

Narito ang halimbawa ng buwanang sahod ng colf (livello B) at badante (convivente at non-convivente – livello CS) batay sa oras ng trabaho sa isang linggo at gastusin ng employer, ayon sa Safacli. 

COLF (livello B)
BADANTE CONVIVENTE (Livello CS)
BADANTE NON-CONVIVENTE (Livelli CS)

Tandaan na ang mga employer ay maaari ding lumapit sa mga  associazione di categoriaorganizzazione sindacali at patronati, para sa pagpapadala ng aplikasyon ng Regolarizzazione 2020. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong app Migreat – Stranieri in Italia, online na!

Pinoy na crew sa kilalang fastfood chain, biktima ng pambubugbog