Ang REPUBLIC ACT NO. 10175 otherwise known as "CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012" ay hindi nagbibigay ng power sa gobyerno na buksan ang mga email, inbox, private messages at iba pang private internet communications dahil ito ay protektado ng 1987 Constitution. Anumang ebidensya na nakuha sa email, inbox, private messages at iba pang mga internet communications na nag-violate ng privacy of communication ng isang mamamayan ay hindi pwedeng gamitin laban sa kanya sa korte o anumang kaso.
Mayroong mga tao ang natatakot sa bagong batas na pumasa noong July 25, 2011 na kung tawagin ay “Cybercrime Prevention Act of 2012″ dahil ang batas na ito diumano ay nagbibigay ng power o karapatan sa gobyerno na mabuksan kaagad ang mga email, inbox, private messages at iba pang private internet communications. Mali ang impormasyon na ito dahil ang batas na ito ay walang nasasaad na power o karapatang magbukas ng mga private internet communications ng walang pahintulot ang korte dahil ito ay protektado ng 1987 Constitution.
Ang 1987 Constitution ang supreme law ng ating bansa. Ito ang pinakamataas na batas na namamayani at dapat umaayon ang iba pang batas na pumasa sa Kongreso. Nasa Section 2 and 3 Article III ng Bill of Rights ng 1987 Constitution ay nagsasabi na:
"Section 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.
"Section 3 ng Article III ng 1987 Constitution na: (1) The privacy of communication and correspondence shall be inviolable except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise, as prescribed by law. (2) Any evidence obtained in violation of this or the preceding section shall be inadmissible for any purpose in any proceeding."
Ang dalawang provision ng 1987 Constitution ang panglaban ng mga mamamayan sa anumang abuso ng gobyerno kung gagamitin ang "Cybercrime Prevention Act of 2012″ upang kumuha ng mga ebidensiya sa mga email, inbox, private messages at iba pang private internet communications ng walang pahintulot mula sa korte o walang search warrant o pagkuha ng beyond sa authority ng mga pulis.
As between the “Cybercrime Prevention Act of 2012″ at ang Section 2 and 3, Article III ng 1987 Constitution, ang right against illegal search and seizure at privacy of communication ng citizens ang mananaig at mamamayani dahil ito ang sacred rights ng bawat mamamayan sa isang civilized world. Ang “Cybercrime Prevention Act of 2012″ ay hindi pwedeng balewalain ang mga basic fundamental rights na ito ng mga mamamayang Filipino dahil ang nagbibigay ng mga karapatan na ito ay ang supreme law of the land, ang 1987 Constitution.
Nasa Section 12 ng “Cybercrime Prevention Act of 2012″ na ang pagkuha ng ebidensiya sa mga email, inbox, private messages at iba pang private internet communications ay kailangan na may pahintulot ng korte through a search warrant applied for that purpose upon showing ng probable cause lalo na kung ang kukunin ay ebidensiya ng laman o content nito o kaya ang identity ng may-ari nito. Ang pwede lamang kunin na information ng gobyerno ay ang "Traffic data" which refer only to the communication’s origin, destination, route, time, date, size, duration, or type of underlying service, but not content, nor identities. All other data to be collected or seized or disclosed will require a court warrant. Kailangan ring patunayan ng mga pulis sa korte na wala nang iba pang means o paraan na makakuha ng ebidensiya except sa mga email, inbox, private messages at iba pang private internet communications.
Kung may violation ang mga pulis o law enforcement agenices sa pagkuha ng mga ebidensiya, ang anumang ebidensiya na nakuha ay hindi pwedeng gamitin sa korte o sa anumang ahensiya para kasuhan ang may-ari nito. Ang Cybercrime Prevention Act ay ginagalang pa rin ang doktrina na ito ng 1987 Constitution dahil meron ito sa Section 18 na Exclusionary Rule na nagsasabi na — "Any evidence procured without a valid warrant or beyond the authority of the same shall be inadmissible for any proceeding before any court or tribunal." (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com).