Ang Ricongiungimento familiare at Coesione familiare ay parehong pinahihintulutan ng batas sa Italya sa mga dayuhang regular na naninirahan sa bansa. Gayunpaman, ang dalawang ito ay magkaiba at may iba’t ibang pamamaraan na karaniwang hindi maunawaan ng marami.
Ang pagkakaiba ng Ricongiungimento Familiare at Coesione Familiare
Ang Ricongiungimento Familiare ay nagpapahintulot sa mga non-EU nationals na regular na naninirahan sa Italya, ang mabigyan ng entry visa at samakatwid ang makapasok din sa bansang Italya, ang mga miyembro ng kanyang pamilya at magkaroon ng permesso di soggiorno, ayon sa pamamaraan at limitasyong nasasaad sa batas.
Samantala ang Coesione Familiare ay isang uri ng ricongiungimento familiare at tumutukoy sa karapatang manatili at manirahang magkakasama ang pamilya na nasa Italya na.
Ito ay ayon sa artikulo 30 ng Testo Unico sull’Immigrazione, kung saan nasasaad ang pagi-isyu ng permesso di soggiorno per motivi familiari sa miymebro ng pamilya ng dayuhang regular na naninirahan sa bansa at nakakatugon sa requirements na itinalaga ng batas.
Ang karapatan sa coesione familiare ay dapat maganap sa loob ng 12 buwan mula sa expiration ng permesso di soggiorno na unang inisyu sa miyembro ng pamilya ng dayuhan na dumating sa Italya sa pamamagitan ng ibang uri ng dokumentasyon tulad ng turismo, cure mediche, studio at iba pa.
Sa katunayan, ang requirements para sa Coesione familiare ay katulad ng mga requirements ng Ricongiungimento familiare, tulad ng antas ng relasyon sa pamilya, required salary at accomodation.
Gayunpaman, ang paraan sa aplikasyon ay magkaiba. Para sa Ricongiungimento familiare, kailangan munang gumawa ng aplikasyon para sa nulla osta sa Sportello Unico. Samanlata, para sa Coesione familiare ay hindi na ito kailangan at sapat na ang mag-aplay sa pamamagitan ng kit postale kung saan ilalakip ang mga kinakailangang dokumentasyon. Pagkatapos nito ay ang pagi-isyu ng permesso di soggiorno per motivi familiari. (PGA)
Basahin din:
- Coesione familiare, ano ito at paano ang mag-aplay
- Gabay sa Ricongiungimento Familiare, unang bahagi
- Gabay sa Ricongiungimento Familiare – Ikalawang bahagi
- Required salary 2023 para sa Ricongiungimento Familiare