Kailan nagtatapos ang hiring ng mga colf at caregivers? Ilan ang araw ng abiso?
Ang domestic job ay maraming partikular na katangian kumpara sa ibang ordinaryong subordinate job dahil ito ang uri ng trabaho na sumasaklaw sa gawaing pambahay na isinasagawa para sa mga indibidwal, pribado, pamilya o maliliit na komunidad at hindi para sa kumpanya o sa ibang propesyon. At dahil dito, ang karapatan ng mga colf at caregivers ukol sa usapin ng termination o pagpapatalsik sa trabaho ay may pagkakaiba kumpara sa ibang mga empleyado.
Kailan nagtatapos ang hiring ng mga colf at caregivers?
Ang domestic job ay maaaring wakasan dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- paghinto sa panahon ng pagsubok;
- pagtatapos ng kontrata;
- kasunduan ng dalawang partes;
- pagpapaalis o termination;
- pagbibitiw o resignation;
- kamatayan ng worker;
- kamatayan ng employer.
Ang employer ay malayang tapusin ang kontrata o sa madaling salita ang tanggalin sa trabaho ang domestic worker nang walang giusta causa o giustificato motivo. Ito ay tinatawag na ‘ad nutum’.
Ito, gayunpaman, ay hindi nangangahulugan na ang mga domestic worker ay maaaring tanggalin na lamang agad-agad dahil ang worker ay may karapatan sa tinatawag na ‘preavviso’ maliban sa pagpapatalsik dahil sa tamang dahilan o ‘giusta causa’.
Kung ang employer ay tinanggal sa trabaho ang colf (hindi dahil sa giusta causa) ng walang abiso o hindi sapat na araw ng abiso, ang employer ay obligadong magbigay ng tinatawag na ‘indennità sostitutiva’. Ito ay ang halagang katumbas ng mga kulang na araw ng abisong hindi ibinigay ng employer.
Bukod sa abiso at sa indennità sostitutiva, ay kailangan ring ibigay sa worker ang Tfr (trattamento fine rapporto), ferie (non godute) at ang ilang buwang tredicesima hanggang sa panahon ng pagtatanggal sa trabaho.
Abiso
Ang abiso, sa kaso ng licenziamento sa colf at caregivers, ay nag-iiba ang bilang ng araw batay sa tagal ng serbisyo sa employer. Partikular:
– kung ang kontrata ay higit sa 25 hrs per wk, ang araw ng abiso ay:
1) 15 araw (7.5 sa resignation) hanggang 5 yrs na anzianità o haba ng panahon sa trabaho;
2) 30 araw (15 sa resignation) higit sa 5 taong anzianità sa trabaho;
– kung ang kontrata ay mas mababa sa 25 hrs per wk, ang araw ng abiso ay
1) 8 araw kung ang anzianità sa trabaho ay mas mababa sa 2 taon;
2) 15 araw kung ang anzianità sa trabaho ay mas mataas sa 2 taon.
Ang mga bilang na nabanggit ay tataas batay sa collective domestic job contract kung ang employer ay gagawin ang termination hanggang ika-31 araw ng pagtatapos ng maternity leave.
Kung ang colf ay tumatanggp ng hiwalay na pabahay mula sa employer o sinadyang ibigay ng employer sa worker (sa kaso ng portiere private) ang abiso ay:
1) 30 araw ng kalendaryo hanggang sa isang taon na anzianità
2) 60 araw sa mas mataas ng isang taon
Sa kaso ng pagkamatay ng employer, tulad ng nabanggit sa itaas, ay regular na magtatapos. Gayunpaman, ang miyembro ng pamilya ng employer ay maaaring ipagpatuloy ang hiring kung sasang-ayon ang worker.