Ang street control, sa pamamagitan ng videocamera, ay awtomatikong kinukunan ang plate number ng mga sasakyan at sa pamamagitan ng konektadong tablet ay iko-connect ito sa iba’t ibang datebase.
Ang Street Control ay isang maliit na device na tulad ng autovelox ay ginagamit ng mga mobile traffic officer upang gawing mas mabilis ang pagsusuri ng mga sasakyan, ng mga datos nito pati na rin ang may-ari nito, sa oras ng pagpa-patrol.
Ang videocamera ay ikinakabit sa bubong ng mga sasakyan ng awtoridad upang awtomatikong kunan nito ang mga plate number o targa ng sasakyan at sa pamamagitan ng sistema sa sasakyan ng konektado sa isang tablet ay iko-connect ito sa iba’t ibang opisyal na datebase upang kilalanin ang may-ari ng sasakyan, masuri kung ang sasakyan ay mayroong regular na car insurance RCA at kung sumailalim sa regular na revision control. Bukod sa mga nabanggit, ito ay isa ring mahalagang instrumento sa pagmu-multa ng mga wrong parking o divieto di sosta at iba pa.
Paano gumagana ang Street Control?
Sa katunayan, ang Street Control, sa kabilang banda, ay nagpapahintulot sa mabilis na pagtatala ng mga sasakyang lumalabag sa regulasyon ng parking at nagpapahintulot rin sa mas mabilis na pag-fill up at pagpapadala ng mga kilalang ‘verbali’.
Tulad ng nabanggit, ang street control ay malaking tulong sa tema ng seguridad, upang matuklasan kung ang isang sasakyan ay mayroong regular na car insurance RCA, na tinatayang aabot sa 4 million ang mga sasakyang lumalabag sa batas ng obligadong pagkakaroon nito. Gayun din ang ‘revisione’ o periodical car inspection. Ang mga sasakyang hindi sumailalim sa revision control ay mga sasakyang walang opisyal na maintenance at samakatwid ay mga sasakyang maaaring maging sanhi ng aksidente at sa kaso ng aksidente ay hadlang sa karapatan ng mga biktima nito ang matanggap ang makatarungan at mabilis na kabayaran ng danyos.
Ito ay dahil ang tanging solusyon sa sinumang biktima ng mga sasakyang walang RCA ay ang ihabla ang may-ari ng sasakyang naka-aksidente. At kung sa kasamaang palad ay tumakas ito (o ang tinatawag na ‘pirata’), ay maaaring matugunan lamang ng komplikado, mahaba at magastos na ‘fondo vittime per la strada’.
Kaugnay nito, isang opisyal na opinyon ng Ministry of Transport noong 2015 (4851/2015 Protocol) ang nagbigay-diin sa nasasaad sa Codice della strada: “Ang mga multa, batay sa batas ay maaaring tanggihan batay sa ilang partikular na kundisyon”.
At samakatwid ay ipinaalalang ang Street Control ay maaari lamang gamitin sa dalawang kundisyon: na mayroon palaging isang police agent o traffic officer na may hawak ng tablet at walang driver sa sasakyang mumultahan.
Samantala mayroong mga ipinatutupad na regulasyon na pabor sa mga mamamayan tulad sa Comune di Sanremo kung saan ang mga police agent sa kanilang pagpapa-patrol ay mayroong smartphone bilang kapalit ng mga booklet ng mga multa. Gamit ang isang app, ang telepono ay makokonekta sa Street Control at magpapahintulot na makita ang mga datos ng mga paglabag na nasa videocamera. Ang police agent ay susuriin kung ang sasakyan ay tunay na nasa wrong parking at matapos lamang mapatunayan ito ay gagawin ang multa sa foglietto rosa kung saan nasasaad ang datos ng violation, ang plate number at ang code ng police agent at minutes nito. Ang foglietto rosa ay maaari ring isang abiso ng pagpunta sa police station dala ang patunay ng RCA, carta di circolazione o Registration Certificate para sa pagsusuri ng revision. Ang foglietto rosa ay karaniwang nakikita sa windshield ng sasakyan.
Ang may-ari, sa pamamagitan ng code na nasasaad sa foglietto rosa ay maaaring mag-log in sa website ng Comune kung saan residente upang makita ang multa at ang litrato nito bilang patunay. Maaaring magtungo sa Police station dala ang mga dokumento na magpapatunay ng pagiging regular sa car insurance at maging revision control, upang maiwasan ang ricorso o pagsasampa ng reklamo. O ang posibilidad na magbayad online sa loob ng limang araw mula sa notification na may discount kung tunay na lumabag sa codice della strada.