in

Tourist visa, bakit kailangan ang polizza fideiussoria?

Nais kong imbitahan ang aking kapatid na babae sa Italya bilang turista ngunit hindi mataas ang kanyang kita. Ako ay pinayuhang kumuha ng polizza fideiussoria o guarantee insurance policy  na isusumite sa Consulate para sa entry visa. Ano po ito?

 

Ang polizza fideiussoria ay isang mahalagang dokumento sa pag-aaplay ng tourist visa at kinakailangan upang masiguradong matutugunan ang pangangailangang pinansyal ng dayuhan sa pananatili sa Italya at Schengen countries. 

Ang insurance policy na ito ay kailangan ng dayuhan na nais magkaroon ng tourist visa. Ito ay nilalakip sa aplikasyon at isinusumite sa Italian Consulate o Embassy sa sariling bansa upang mapatunayan ang pagkakaroon ng sapat na mapagkukunang pinansyal upang matugunan ang pananatili sa Italya. 

Ang halaga ng guarantee insurance policy ay batay sa validity ng entry visa. Sa katunayan, ayon sa Testo Unico per l’Immigrazione, ang dayuhan na nais pumasok sa Italya bilang turista ay kailangang nagtataglay ng sapat na halaga na itinakda ng Directive ng Ministry of Interior noong 01.03.2000.

Ang polizza fideiussoria ay maaaring hingin ng direkta ng aplikante o ng sinumang nag-iimbita o host sa Italya. Ang huling nabanggit ay maaaring mamamayang Italyano o dayuhang regular na naninirahan sa Italya na nais tulungan ang kanyang panauhin upang ma-aprubahan ang entry visa. 

Ang dokumentong nabanggit ay kailangang buhat sa isang bangko o insurance company na may pahintulot sa pagpapatakbo ng insurance branch o ng isang qualified financial institution para sa ganitong uri ng serbisyo. Sa tatlong kasong nabanggit, ang kumpanya na gagawa ng policy ay kailangang may pahintulot sa operasyon sa Italya. 

Ipinapaalala na ang tourist visa ay hindi isang karapatan ngunit isang concession, dahil dito kahit na nagtataglay ng polizza fideiussoria, ang awtoridad, bago tuluyang magbigay ng enrty visa ay susuriin ang buong sitwasyon upang maunawaan kung ang aplikante ay muling babalik sa sariling bansa matapos ang pananatili sa Italya bilang tuirsta. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Releasing at renewal ng permit to stay, sa mga nagbayad ng buwis lang!

18app.it, handa na para sa registration ng Bonus Cultura