in

Tourist visa sa Italya, maaari bang i-extend?

Italya, muling magbubukas sa Turismo

Ako ay nagpunta ng Italya upang bisitahin ang aking mga kamag-anak. Ang aking enrty visa ay balido lamang ng 90 days ngunit nais kong manatili pa. Ano ang aking dapat gawin upang ma-extend ito? 

 

Sa mga nais magpunta sa Italya para sa maikling panahon para sa isang bakasyon o upang bisitahin ang kamag-anak, ay binibigyan ng type C “visto uniforme Schengen” na balido ng 90 araw. Pagdating sa Italya, ay hindi na kailangang mag-aplay ng permit to stay, sapat na ang simpleng deklarasyon, ang dichiarazione di presenza.  

Sa pagtatapos ng 90 araw, ang dayuhan ay kailangang bumalik sa sariling bansa kung hindi nais ituring na isang irregular at mapatawan ng expulsion, na posibleng magresulta sa isang pagbabawal na bumalik sa Italya.

Ang pagpapatupad ng regulasyon ng Immigration Act (394/1999 DPR), Artikulo 13 ay nasasaad na maaaring manatili ng higit sa validity ng entry visa sa pagkakaroon ng mga “mabibigat na dahilan, partkular ang humanitarian at constitutional o international obligation”.

Ang extension ay maaaring ibigay sa iilang mga kaso lamang, tulad ng pagkakasakit o isang aksidente at ang dayuhan ay obligadong ma-ospital at hindi nagpapahintulot dito na bumalik sa sariling bansa hanggang sa makayanan ang mag-biyahe. Sa ganitong kaso ay kailangang magpunta sa Questura at hilingin ang extension ng pananatili sa Italya, sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga papeles bilang patunay sa katayuan. Gayunpaman,  ito ay isang pambihirang kaso lamang.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Summer sale 2019, simula na!

The Guardians Brotherhood, INC. The Originals, Nagdaos ng ika-5 taong Anibersaryo