in

Turismo, may pahintulot na ba?

Ang mga museums sa mga rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla ay pinahintulutang magbukas sa publiko.

Sa kasalukuyang restriksyon sa Italya ang turismo ay nananatiling walang pahintulot, partikular kung lalabas ng Rehiyon. Maaari lamang bisitahin ang mga site at atraksyon na nasa loob ng sariling rehiyon

Ang bagong dekreto anti-Covid19 ay pinalawig ang pagbabawal magpunta ng ibang rehiyon ng karagdagang 30 araw, hanggang March 27, 2021.

Bukod dito ang mga leisure trips ay hindi maituturing na isang mahalagang dahilan. Kahit pa na mananatili sa isang b&b o anumang accomodation facility at nasa pagitan ng oras na 5am hanggang 10pm, ang pleasure trips ay nananatiling ipinagbabawal. 

May pahintulot lamang sa paglabas ng rehiyon ang dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan, na ayon sa bagong dekreto, bukod sa pagkakaroon ng Autocertificazione ay kailangang may lakip na patunay nito.

Kaugnay nito, hanggang sa kasalukuyan, sa mga rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla, ay pinahintulutang magbukas ang mga museums sa kundisyong susunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng batas.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong DPCM ipatutupad hanggang matapos ang Easter

Italian language test para sa EU long term residence permit, ano ang procedure?