Magandang umaga. Lumipas na ang dalawang taon mula ng mag-submit ako ng aplikasyon para sa italian citizenship by residency, ngunit ang aplikasyon ay nananatiling nasa fase di valutazione. Ano po ang dapat gawin?
Kung lumipas na ang dalawang taong nasasaad sa regulasyon para tuluyang maaprubahan o tanggaihan ang aplikasyon, ang aplikante ay maaaring mag-follow up sa Public Administration at hilinging tapusin na ang proseso.
Ayon sa Batas 241/90 sa panuntunan ng administrative procedures at karapatan ng access sa administrative documents, bago tuluyang magtapos ang taon ng ikalawang taon para sa ‘istanza’, kung ang aplikante ay hinid nakatanggap ng anumang tugon buhat sa awtoridad, ay maaaring magpadala ng isang lettera di diffida (narito ang facsimile) upang makatanggap ng update.
Ang aplikante ay maaaring maghanda at magpadala ng liham ng hindi kinakailangang lumapit sa abugado. Maliban na lamang kung lalapit sa hukom, na obligadong nangangailangan ng abugadong kinatawan ng aplikante.
Ipinapaalala na ayon sa Circular 6415/2011 ang Ministry of Interior ay itinalaga na anumang pagkaantala ng Prefecture sa pagtanggap o hindi sa aplikasyon ay hindi nangangahulugang aprubado o tinanggihan ito at samakatwid ay hindi balido ang ‘silenzio assenso’ kahit ang ‘silenzio rigetto’ para sa ganitong uri ng aplikasyon.
Dapat ding linawin na bilang isang aplikasyon para sa citizenship by residency ay isang naturalization at ang aplikante ay hindi maaaring mag-demand sa pagbibigay ng Italian citizenship dahil ayon sa batas, ito ay hindi isang karapatan bagkus ay isang pagbibigay pabor sa mga dayuhang mamamayan sa pagkakaroon ng magandang asal at isang positibong lebel ng integrasyon sa komunidad. Ang pagkakaroon ng sapat na sahod at pagsunod sa obligasyon ng pagbabayad ng buwis ay mga partikular ring interes sa pag-aaplay ng Italian citizenship.
Samakatwid, ang paggawa ng batas sa pagkakaloob ng Italian citinzeship, sa katunayan ay napapailalim sa malawak na pagsusuri, dahil ang pagkakaroon ng mga requirements, bukod sa kinakailangan ay hindi sapat sa pag-iisyu ng positibong resulta.
ni: D.ssa Maria Elena Arguello
isinalin sa tagalog: PGA