Rome, Pebrero 4, 2013 – Nakakuha ang Pilipinas ng mga nominasyon sa labing-apat na kategorya: labing-dalawa para sa telebisyon at ang dalawa naman ay para sa pelikula matapos ilathala ang opisyal na mga nominado para sa 2013 New York Film Festivals TV and Film Awards sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
Ang nasabing festival ay nagbibigay-pugay sa mga programa sa higit na 50 bansa.
Nangunguna ang ABS-CBN na may walong nominasyon, dalawa naman ang nakuha ng GMA News TV, at tig-iisang nominasyon naman para sa TV5 at GMA-7.
Dalawang nominasyon naman ang nakuha ng Unitel Productions para sa pelikula.
Kabilang sa mga jury si Engelbert Apostol, galing sa ABS-CBN at si Marissa Flores, mula sa GMA Network, ay isa naman sa miyembro ng advisory board.
Iaanunsiyo sa Marso ang mga magwawagi at sa darating naman na April 9 ang awarding ceremony sa Las Vegas.
PHILIPPINES:
TELEVISION:
ABS-CBN (8 Nominations)
Best Performance by an Actress (Maalaala Mo Kaya)
Biography/Profiles (Johnny: The Juan Ponce Enrile Story)
Current Affairs (Failon Ngayon, “Mine Tailings” episode)
Drama (Budoy)
History and Society (Ako Ang Simula)
Social Issues (Krusada: Bata ng Tahanan)
Sports Program Promotions (A Call To Arms)
Telenovelas (Be Careful With My Heart)
GMA NEWSTV (2 Nominations)
Biography/Profiles (Ang Pinakabata)
Social Issues (Reel Time: Salat)
TV5 (1 Nomination)
Real Estate/Home Improvement (Extreme Makeover: Home Edition Philippines)
GMA 7 (1 Nomination)
Environment and Ecology (Oras Na)
FILM
Unitel Productions (2 Nominations)
Sales (Rogue Cover)
Short Films (A Life In A Day)