in

NARIAG Graduation at Global PCR launching, ginanap sa Roma

Panauhing pandangal sina General Phodel Sermonia at General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa ginanap na Nariag Graduation at Global PCR-OFW launching sa Roma.

Nitong Nobyembre ay ginanap ang graduation ng ikalawang batch ng 25 miyembro ng Nariag sa Italya.

Ang Nariga o Anti-Narcotics International Assistance Group ay isang non government organisation na binubuo ng mga indibidwal na nagnanais yakapin ang talong layunin ng grupo: a) Brotherhood at Sisterhood b) Community Service c) Anti-Narcotics and Crime.

Ang mga graduates noong October at November ng Nariag ay sumailalim sa mga pag-aaral, sa pamamagitan ng tinatawag na Red Book, upang higit na magampanan ang kanilang mga misyon na makipagtulungan sa mga awtoridad partikular sa pagtugis sa bawal na gamot o ang droga sa pamamagitan ng tamang pag-iimbestiga, wastong pagbibigay ng mga impormasyon ukol sa dulot at epekto nito sa kalusugan, pamilya at pamayanan.

Tinutulungan din naming maibalik ang mga taong nasa bitag na ng bawal na gamot o droga at dalhin ang mga ito sa pagbabagong buhay” ayon kay Daisy Soloman, ang appointed head ng Nariag Italy.

Bahagi rin ng layunin ng Nariag ang magsagawa ng mga aktibidad para makatulong sa ating mga kababayan sa Pilipinas. Kabilang na dito ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo at mga pagbaha.

Nagdodonate kami ng mga damit, groceries, pagkain tulad ng bigas at minsan pati an rin mga tsinelas”, ayon kay Solomon.

Aniya tumutulong din ang grupo sa mga bahay ampunan at mga ospital kung saan natatagpuan ang ating mga kababayang salat sa kalusugan at may kapansanan.

Tulad ngayon sa nalalapit na Kapasukan, ang Nariag Italy at bawat chapter nito ay naga-ambag ng maaaring maitulong sa mga paaralan. Halimbawa, ang bawat member ay nagdo-donate ng lapis, papel, notebooks at crayons”.

Sa araw ng pagtatapos ng mga miyembro ay sinambit din nila ang Pangako ng Isang Kagawad ng NARIAG na pinangunahan ni General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ikawalang bahagi ng programa ay ang presentasyon ng Global PCR o Police Community Relations OFW na pinangunahan ni General Rhodel Sermonia.

Sa kanyang presentasyon ay sinabing ang Global PCR ay isang partnership project sa pagitan ng PCRG o Police Committee Relations Group ng PNP at ACPPI o Association of Chiefs of Police in the Philippines Incorporated.

Aniya bahagi ng kanilang pagbisita ni General Bato sa mga Ofws sa abroad ay ang makadaup palad ang mga ito upang maibsan ang kanilang pag-aalinlangan ukol sa suliranin sa seguridad ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Samantala, ikalawa naman sa layunin ni General Bato ang makuha ang suporta at makumbinsi ang mga ofws na tulungan ang ating gobyerno sa Pilipinas ukol sa laban nito sa droga.

Personal advocacy ko ang campaign against drugs. Ang war on drugs na kinahaharap ng bansa ay hindi madaling solusyunan dahil sa malaking sindikato ang nasa likod nito”, dagdag pa ni Bato.

Kaya hiling ng mga panauhin na bantayan at laging pangaralan ang mga anak at pamilya na naiwan sa Pilipinas na maging gising at layuan ang iligal na droga.

Kaugnay ng kanilang pagbisita sa Italya ay nakipag-usap din si General Bato sa Drug Reinforcement Unit ng Italya, ang Carabinieri upang alamin ang estado ng suliranin sa droga ng Italya. Kinumpirma din ng Carabinieri na isa sa matinding suliranin at mahirap sugpuin ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa kung saan nasasangkot ang marami nating mga kababayan.

Gayunpaman, ito umano ay simula lamang ng kanilang komunikasyon at kolaborasyon. Inaasahan din ang posibleng pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng dalawang bansa ng bagong lunsad na grupo.

Sa katunayan, kabilang sa mga panauhin ng maghapong pagdiriwang si Brigadiere Giovanni Di Pascasio, isang Carabiniere.

Bago tuluyang nagtapos ang mahalagang okasyon ay naghandog ng awitin sa mga Pilipino sa Roma si General Bato na tunay namang ikinatuwa ng mga ito.

Napaka init ng pagtanggap ng mga Ofws sa Milan at Italy, parang Pilipinas lang at ramdam talaga ang Filipino spirit”, aniya.

Ang init ng kanilang pagtanggap na ito ay katumbas rin ng init ng kanilang suporta sa war on drugs. Ito ay dahil na rin sa seguridad na kanilang hangad para sa mga pamilya, asawa at anak sa Pilipinas.

https://www.facebook.com/akoaypilipinoitalya/videos/192829431601943/

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

B1, required level ng Italian language sa pag-aaplay ng Italian citizenship

17 Pinoy, kasama sa 47 kataong inaresto sa Roma dahil sa drugs