in

Santa Cruzan Festival sa ika-20 taong anibersaryo ng Sentro Pilipino

Rome – Muling nagtipon-tipon ang komunidad ng mga Pinoy sa Roma noong ika-29 ng Mayo sa simbahan ng Santa Pudenziana upang makiisa sa pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng Sentro Pilipino Chaplaincy sa pangunguna ni Father Romy Velos. Isang araw na pagdiriwang kung saan ay tampok ang Santa Cruzan Festival procession na inupisahan mismo sa Basilica ng Sta. Pudenziana hanggang sa Basilica ng Sta. Maria Maggiore.

altKinagiliwan ng mga turista at mga italyano na nasa lugar na iyon ang prosesyon na pinangunahan ng mga pulis, ito ay upang mapangalagaan ang katiwasayan at kaligtasan ng mga selebrasyon. Posibleng nagtataka ang mga manonood na hindi Pinoy pero walang tigil ang mga ito sa pagkuha ng mga pictures. Tayo kayang mga Pilipino, naiintindihan kaya natin ang ibig sabihin ng Santa Cruzan.

Alalahanin natin na ang Santa Cruzan ay isang popular religious festival na ipinakilala sa atin noong panahon ng Kastila. Ito ay ipinagdiriwang sa mga baryo at bayan sa buong mundo na kung saan ay binigyang halaga ang “month-long celebration of Flores de Mayo” sa buwan ng Mayo. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng isang parada na maydecorated floatsat naggandahang gowns na kumakatawan sa iba’t ibang ugali ng ating Mahal na Birheng Maria.  

Ang tradisyong ito ay ating dala-dala hanggang sa labas ng bansa. Ang mga Pilipino sa buong mundo ay patuloy na ipinadiriwang ang Santa Cruzan bilang pag-alala sa ating Mahal na Ina. Kalimitan, ang mga relihiyosong katoliko ang nangunguna sa pagsasagawa ng selebrasyong ito na sinusundan ng mga debotong mga Pinoy. Tulad sa Italya, mula Roma hanggang Milan kung saan ay may maraming bilang ng mga Pilipino ay patuloy na nagsasagawa ng Santa Cruzan.

alt

Hindi alintana ng mga nanggagandagang Pinay sa Roma ang init habang sila ay pumarada hanggang Sta. Maggiore na kung saan ay naghihintay ang minamahal na Cardinal Agostini Vallini, ang vicario generale ng diocese of Rome upang magcelebrate ng banal na misa. Matapos ang misa, muling pumarada ang mga naggagandagang reyna sa Sta. Pudenziana upang ipagpatuloy ang programang inihanda nang araw na iyon. May libreng pamiryenda para sa lahat. May cultural presentation na kinagiliwan ng mga manonood. Nandoon rin ang mga sponsors tulad ng Moneygram, LBC at Filinvest. Namigay rin ang Sentro Pilipino ng mga souvenir book para sa mga nagsidalo.

Ni Liza Bueno Magsino

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ministry of Interior, naglabas ng sample certifate para sa pagkuha ng carta di soggiorno

Santa Cruzan Festival sa ika-20 taong anibersaryo ng Sentro Pilipino