Dichiarazione Sostitutiva CU 2018, kailangang ibigay sa mga colf ayon sa Assindatcolf

Kailangang ibigay ng mga employers sa domestic job ang dichiarazione sostitutiva CU hanggang March 31, 2018. 

 

Nagpalabas ng isang komunikasyon ang Associazione Nazionale dei datori di Lavoro Domestici o Assindatcolf kamakailan kung saan nasasaad na kailangang ibigay ng mga employers sa mga colf, caregivers at babysitters ang dichiarazione sostitutitva 2018 hanggang March 31, 2018

Ang nasabing dokumento ay (ang dating CUD) nagpapatunay ng kabuuang halagang tinanggap ng colf bilang sahod sa taong 2017. 

Ito ay isang mahalagang dokumento na kakailanganin ng mga colf sa paggawa ng dichiarazione dei redditi, kalkulasyon ng ISEE pati na rin sa renewal ng permit to stay. 

Sa komunikasyon ay ipinaliwanag din ng Assindatcolf kung paano sagutan ang dichiarazione dei redditi.