Fernandina "Ditta" Sandico-Ong, sa EXPO 2015
Milan, Mayo 11, 2015 – Bagamat hindi kasali ang Pilipinas sa EXPO 2015 sa Milan, Italy ay in demand pa rin ang talento at creativity ng mga Pinoy sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng masusing pananaliksik sa internet ng French Institute, si Fernandina “Ditta” Sandico-Ong ang napili nito para isali sa EXPO 2015. Sa naturang event ay ibinibida ni Ditta ang kanyang mga likha na gawa sa fibers ng saging, piña at abaca.
Buwan ng Disyembre 2014, ayon kay Ong, nang siya’y tawagan ng naturang institute upang tanungin kung nais sumali sa EXPO.
“Originally I felt like… is this for real, it’s not always 1, it’s not always things that happen so it’s really a privilege that I got invited to the show at French Pavilion,” ani ni Ong .
Kung kaya’t agad niya itong pinaghandaan at sa pagbubukas nga ng EXPO 2015 ay kanya din nasaksihan ang partisipasyon ng iba’t ibang bansa.
Gayunpaman, ang tema ng EXPO 2015 ay “Feed the earth, energy for life”. Gumawa din ng tema ang French Institute “Textifood”. Ito ay may kinalaman din sa 6 buwan ng event.
“It’s Textifood because it’s Textile and Food fair so the banana which is the family of the abaca, the fruit can be eaten but not exactly the abaca” wika pa ni Ong.
Ang abaca ayon din sa kanya ay isa sa pinakamatibay at magandang fiber sa buong mundo na dapat ipagmalaki ng mga Pilipino.
Maliban sa ilang bansa sa Europa, ay na showcase na rin niya ang kanyang mga likha sa USA at ilang bansa sa Asia, at kanyang ipagpapatuloy na ipakilala sa buong mundo ang produktong gawa ng Pilipino.
“I think this is the fiber of the future, because in the Philippines we grow so much of it, it’s in the wild.”
Dagdag pa niya, nakakatulong din ito sa mga kababayan natin lalo na sa mga magsasaka maging sa factory workers na nagpo-produce ng fiber.
“One day we will be known to the whole world just like in the 1700’s where we had the biggest export, it was the ropes made of abaca.”
Sa kasalukuyan aniya, sa mundo ng fashion, ipapakilala niya ang mga designed gowns na gawa naman sa fiber.
Matatandaan na si Ong, sa pamamagitan ng European Network of Filipino Diaspora o Enfid Italy, ay nakarating sa Italya partikular sa Roma para sa pinakaunang edisyon ng “Fibre Filippine” at doon niya ipinakita ang mga eleganteng disenyong mga gown na gawa sa saging, piña at abaca.
“What I think, Ecuador is next in line producing 15% of fibers in the market but the Philippines is producing 85% of abaca in the total world market” ani ni Ong.
At sa pagkakaisa ng bawat bansa tulad ng France, Italy, Spain sabi pa ng designer ay maipapakilala ang mga designed wears na gawa sa fiber.
“Hopefully we can help the poor and have better life styles, better livelihood, because this is the aim of our next generation, we have to use our natural materials, the indigenous fibers, with this, we hope to create a better world”, pagwawakas ni Ditta.
Chet de Castro Valencia