in

Assegni familiari sa miyembro ng pamilya ng mga migrante na nasa sariling bansa

Hukom: "Ang sinumang may EC long term residence permit o carta di soggiorno ay may parehong karapatan tulad ng mga Italians”. INPS nahatulan ng diskriminasyon.
 

 

 


Roma – Abril 30, 2015 – Itigil ang diskriminasyon sa pagtanggap ng family allowance o assegni familiari. Ang mga dayuhang manggagawa na mayroong carta di soggiorno ay maaaring makatanggap ng benepisyo para sa asawa at anak na dependent kahit na naninirahan sa ibang bansa.    

Isang hukom muli ang nagbigay tuldok sa diskriminasyon ukol sa pagtanggap ng mga social services ng mga non-EU nationals na mayroong katulad ng karapatan ng mga Italians at Europeans. Ito ang itinalaga ng Batas ng Europa na higit na mahalaga kumpara sa batas ng mga bansa lalo na’t kung ang mga ito ay salungat ang ipinatutupad.
 
Ang lahat ay nagsimula sa isang reklamo ng diskriminasyong isinampa laban sa Inps mula sa 6 na manggagawang dayuhan sa Brescia. Ayon sa mga manggagawa, sapilitan umanong ipinababalik ang benepisyong tinanggap para sa mga miyembro ng kanilang pamilya na wala sa Italya. Ito ay batay sa isang batas 30 taon na ang nakakaraan (L. 153/1988), noong ang Italya ay hindi pa isang bansa ng migrasyon, kung saan nasasaad na “hindi bahagi ng pamilya ang asawa at anak ng dayuhan kung ang mga nabanggit ay sa ibang bansa naninirahan”. 

Sa halip ang hukom, tulad ng anim na manggagawa, ay hininging ipatupad ang Batas ng Europa 2003/109/CE kung saan nasasaad na “ang mga long term residents ay mayroong pantay na karapatan tulad ng lokal na mamamayan ukol sa serbisyo, tulong at proteksyong panlipunan ayon sa batas”. Ito ay ipinagtibay ng Italya nang walang anumang eksepsiyon ukol sa family allowance o assegni familiari.
 
Ang reklamo ay tinanggap: ang Inps, ayon sa liham ni Hukom Laura Corazza, ay nagpakita ng diskriminasyon kung saan apektado ang mga manggagawa sa dahilang sila ay mga dayuhan. Samakatwid, ay hinatulan ang Inps na ibalik sa 6 na manggagawa ang family allowance at bigyan ng “sapat na publicity ang naging desisyon ng korte sa pamamagitan ng paglalathla nito sa kanilang website. Sapat na ba ang leksyong ito o kailangan pang magsampa ng reklamo ang mga manggagawa para makatanggap ng benepisyo?

Basahin ang Ordinanza del Tribunale di Brescia

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

13,000 seasonal job workers, narito na ang dekreto

Diskwento sa buwis para sa mga employers ng domestic jobs sa income tax return