Pitong libong euro bayad sa pekeng amo. Tatlong daan nagreklamo, dalawang daan pauuwiin
Roma – Oct. 7, 2010 – Kamakailan lamang, napabalita sa www.stranieriinitalia.it na ang mga non-documented alien sa bansang Italya, lalo’t higit ang mga Chinese, Egyptian at Bangladesh, ay nabiktima ng mga mandarayang ahensya at pinaniwalang mabibigyan ng permesso di soggiorno (permit to stay). Ang mga dayuhang ito ay nagbayad sa pekeng contract of employment ng halaga salapi hanggang pitong libo.
Nagduda na rin ang Questura (Police Department) sa Roma sa pekeng pekeng aplikasyon. Napakalaking trabaho ito kung pagbabasehan ang higit sa 30,000 requests for regularization sa probinsya. Walong libo dito, ayon sa immigration office, ay pinagsususpetsahang peke at 1,500 ay sinigurong peke.
Nagkaroon ng imbestigasyon nang matuklasan ng Prefecture na ang mga colf at bandati na kanilang tinawag ay walang totoong employer at walang request. Agad inimbistigahan ng mga pulis ang mga dayuhang umaasang magkakaroon ng permesso di soggiorno, mga kababayang kasabwat sa pangyayaring ito, ahensya o mga abogado (registered lawyer) na nakikipagtagpo sa mga employers.
May tatlong daang italyano at dayuhang nakademanda at dalawang daan ang pauuwiin. Subalit ang mga pinagsususpetsahang aplikasyon ay kasalukuyang pinag-aaralan pa.
Ipinaliwanag ni Maurizio Improta, direktor ng imigration office, sa isang panayam na isinagawa ng “Il Messaggero” ang mga swindler ay gumamit ng pekeng identity card ng namatay ng italyano o kaya’y pangalang kinuha lamang sa telephone directory upang gawing employer. Sa oras kasi na maipadala ang pekeng request sa Ministero, magkakaroon na ang dayuhan ng resibo at pagkatapos ay magbabayad ng halagang hinihingi ng mga mandaraya. Maniniwala ang kawawang biktima na ang application ay totoo at sila’y nakapasok sa parameters na hinihingi ng sanatoria 2009.
Paalala pa ni Maurizio Improta – “Hinaharap natin ngayon ang bago at higit pa sa isang phenomenon tulad ng pagsusumite ng libu-libong kit mula sa mga dayuhan na nag-aaplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione (permit to stay for unemployment) na kung saan ay hindi na dumaan sa tamang proseso na ipinatutupad ng batas. (Liza Bueno Magsino)