in

Sentro Pilipino – Pastoral Year inumpisang muli

altMuling binuksan ang taunang pastoral year sa Sentro Pilipino Chaplaincy: Mission for the Filipino Migrants na pinangungunahan ni Fr. Romy Velos, C.S., ilang kaparian at mga madre noong nakaraang Linggo, ika-25 ng Setyembre. Hindi magkamayaw sa dami ng mga dumalo sa misa mula umaga hanggang hapon. Layunin ng okasyong ito ay upang magkaisa upang maisagawa ang mga acitivities ng pastoral year 2011-12.

Bawat grupo ay may kaniya-kaniyang pagpupulong para paghandaan ang mga activities ng mga ito sa loob ng isang taon. Nagkaroon din ng seminar tungkol sa binyag na pinangunahan ni Superiora Gloria. Tampok sa araw na iyon ang isang pulong tungkol sa gaganaping Family Day with our Lady of Fatima sa October 16 na karaniwang idinaraos sa San Vittorino. Mahalaga ang araw na ito para sa mga Pinoy sa Roma sapagkat ito ay isang araw na pagsasama-sama ng mga pamilya, indibidwal, grupo ng commercial sector at mga asosasyon.

Ang araw ring ito nadeklara ang opisyal na turn-over sa isa sa mga gawain ng Sentro Pilipino, ang libreng pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino na pangangasiwaan ng Associazione Stranieri Lavoratori in Italia (ASLI) tuwing Huwes, Sabado at Linggo mula 10:00 am hanggang 12:30 at 3:00 pm hanggang 6:00 pm. Nabigyan rin ng pagkakataon ang nasabing asosasyon na makapagbigay ng mga libreng impormasyon tungkol sa batas migrasyon, consultation at orientation sa trabaho at iba pang may kinalaman sa mga problemang kinakaharap ng mga migranteng Pinoy sa Roma.  

Masaganang tanghalian ang pinagsaluhan ng araw na iyon at mararamdaman ang tunay na pagkakaisa at pagmamahalan bilang mga magkakapatid sa pananampalataya. (ni Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kontribusyon sa Inps, Oct 10 ang deadline!

The Matigsalug Cotton Weaving Project