Narito ang manual upang makalahok sa kampanya “L’Italia sono anch’io”. Ang bawat hakbang, mula sa pormasyon ng komite hanggang sa pagsu-sumite ng dalawang bill sa Parlyamento.
Rome – Hindi mahirap paniwalaan na ang kampanya “L’Italia sono anch’io” ay pupukaw ng atensyon ng mga mambabasa. Ang dalawang bill na inisyatiba ng mga mamamayan ay nagnanais ng reporma sa batas sa pagkamamamayan at magbigay sa mga migrante ng karapatang bumoto ay malinaw na mga isyung nasa puso ng mga sumusubaybay ng Stranieriinitalia.it
Marami ang mga nagtatanong kung saan at paaano maaaring lumahok at pumirma. Mangyaring sumangguni sa website na ito, kung saan nakalathala ang mga lugar at oras ng pangongolekta ng mga pirma. Ngunit mayroon ding mga taong nais na magbigay ng higit sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa koleksyon ng mga lagda. Sa kasong ito, mangyaring makipag-ugnay sa isa sa mga komite ng inyong lugar na (narito ang isang listahan) o, kung wala pang komite sa iyong lugar, ay mangyaring makipag-ugnayan lamang sa National Committee upang makabuo sa inyong lugar (info@litaliasonoanchio.it, cell 39 348 655 41 61).
Isang mahalagang paunawa: sa pangongolekta ng mga lagda ay hindi sapat ang isang lamesa, papel, panulat at magandang hangarin, ngunit kailangan ding sundin ang tamang paraang hinihingi ng batas. Ito ay nasasaad ng detalyado sa handbook na isinulat ng mga promoters (aming kinuha lamang ang mahahalagang puntos).
Ang Komite ang magbibigay ng mga kinakailangang materyales sa paglikom ng mga lagda, na nagsisimula sa mga kinakailangang mga form. Ang mga ito ay nakalimbag sa isang papel, may laki, bigat at kulay na detalyado at samakatuwid ay hindi maaaring i-download mula sa Internet at naka-print o photocopied sa mga in-house.
Ang mga form ay authenticated ng Hukuman o ng Munisipyo, pagkatapos ay dapat ding humanap ng isang “authenticator” sa bawat lugar kung saan mangangalap ng mga pirma. Ito ay isang ‘role’ na nakalaan lamang sa ilang mga kategorya (tulad ng notaries, assessors, city at provincial councilors, at justices ng kapayapaan, mga opisyal, atbp.), ang ilang mga kaso ay kinakailangan ng authorizations.Ang pahintulot ay kinakailangan din sa paggamit ng publikong lugar (suolo pubblico), pagkatapos ay maaari ng simulan ang pangongolekta ng mga pirma. Maaaring pumirma (at ito ay maaaring makasakit ng damami ng maraming mamba basa) ang mga Italyano lamang na may labing-walo taong gulang at naninirahan sa Italya. Irerehistro rin ang mga personal na impormasyon, pagkatapos ay ang pirma at timbro ng authenticator.
Hindi rito magtatapos. Kapag napuno at authenticated na ang mga forms, sa katunayan, ay ipi-prisinta ang mga ito sa Munisipyo, na syang magpapatunay na bawat pangalan ay rehistrado upang makaboto. Matapos ang mga hakbang na ito, at tsaka pa lamang maaaring ipadala ang mga form sa National Committee, na magtitipon sa mga ito upang ipakita ng sama-sama, sa unang bahagi ng Marso sa Parlyamento.
Kung sa inyong palagay ay maaaring gawin ang lahat ng ito, kayo ay nasa magandang punto na! Buon lavoro!
Ang Handbook
Ang Sample permit