Ang foreigner ay hindi pwedeng mag-adopt o mag-ampon ng Filipino citizen except sa tatlong sitwasyon under Domestic Adoption Act of 1998:
Ang legal at may bisa na adoption ay dapat sumasailalim sa proseso ng korte under Domestic Adoption Act of 1998 (Republic Act No. 8552).
Nasa batas na ang isang alien o foreigner ay hindi pwedeng mag-adopt o mag-ampon ng Filipino except sa mga sumusunod na sitwasyon:
(a) Kung ang foreigner ay dating Filipino citizen na mag-aampon ng kamag-anak na kadugo niya;
(b) Kung ang foreigner ay mag-aadopt ng legitimate child ng kanyang asawang Filipino; or
(c) Kung ang foreigner ay may-asawang Filipino at silang dalawa ay mag-aampon ng kamag-anak na kadugo ng asawang Filipino.
Ang foreigner na hindi kasama sa nasabing situwasyon ay pwedeng mag-ampon under the Inter-Country Adoption Rules. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)