Setyembre 24, 2012 – Ang publication noong nakaraang Biyernes ng Ministry ng Interior, ng mga karagdagang kasagutan ukol sa Sanatoria ay naglilinaw ng ilang mahalagang aspeto ngunit nananatili kailangang bigyang linaw ang ukol sa patunay ng pananatili sa bansa.
Muli ay walang nabanggit ukol sa maaaring gamiting patunay ng presensya sa Italya on or before Dec 31, 20111 ng mga non-EU nationals. Narito ang buod ng ilang paglilinaw.
CESSIONE DI FABBRICATO O DICHIARAZIONE DI OSPITALITA'
Ang pinaka-mahalagang paglilinaw ay ang ukol sa kung sino ang tutuluyan o titirahan, kahit sa anumang kadahilanan, ng worker na gagawing regular. Tulad ng naganap sa huling sanatoria noong 2009, ang lahat ng magho-host sa mga dayuhang manggagawa ay nararapat sa loob ng 48 oras matapos isumite online ang application, ay magsumite rin sa awtoridad ng declaration of hospitality o cessione di fabbricato.Kung ang employer naman ay patira ang worker, ang employer mismo ang gagawa ng naturang deklarasyon, at kasama ng lahat ng iba pang mga dokumento, ay isusumite sa Immigration Office (o Sportello unico) sa pagtawag nito upang pirmahan ang kontrata.
Ang mga employer na nag-aplay sa huling Regularization o Sanatoria (2009)
Ang mga employer na nag-aplay sa regularization ng 2009, ay maaaring magsumite sa kasalukuyang sanatoria kung kanyang tinapos ang proseso sa nakaraan sa pamamagitan ng pagpirma sa contratto di soggiorno o nag-declare sa Sportello Unico, sa araw ng appointment nito, ang pagputol sa trabaho bilang pagbibitiw o pagtatanggal sa trabaho. Ang employer, gayunpaman, na nagsumite ng aplikasyon ng nulla osta sa direct hire ay maaaring magsumite muli ng aplikasyon sa kasalukuyang sanatoria kung hindi pa nakakatanggap mula sa Sportello Unico ng convocazione o appointment. Maaari ring magsumite ng aplikasyon ang mga employer na kinuha ang nulla osta at matapos ito ay nagdeklara ng hindi pagpapatuloy ng hiring (o indisponibilità di assunzione). Samantala, kung ang employer, sa appointment ay hindi sumipot at hindi naghain ng anumang balidong dahilan ay hindi maaaring lumahok sa sanatoria.
Identification certificate buhat embahada o Attestato identità consulare
Para maisumite lamang ang aplikasyon online, ang mga worker na walang balidong pasaporte o travel document, ay maaaring gamitin ang identification certificate o attestato identità consulare buhat sa embahada bilang pansamantalang pamalit sa pasaporte. Sa petsa ng convocazione upang pirmahan ang kontrata gayunpaman, ang worker ay dapat na mayroong balidong pasaporte o katumbas na dokumento.
Authorization ng employer sa pagpirma ng kontrata
Niliraw rin na ang mga employer na hindi kayang magtungo ng Sportello Unico per l’Immigrazione ay maaaring magbigay ng authorization sa asawa, anak at kamag-anak hanggang 3° degree upang pirmahan ang kontrata. Sapat na rin ang simpleng authorization sa halip na notarial tulad ng hinihingi sa ibang kaso.
Tuloy-tuloy na pananatili ng mga worker mula Dec 31 hanggang sa araw ng pagsusumite ng aplikasyon
Ang patuloy na presensya sa Italya ay inaasahan maliban na lamang sa pagkakaroon ng anumang patunay. Ito ay nangangahulugan na kung mayroong timbre sa pasaporte matapos ang dec 31, 2011 ay maaari itong gamiting patunay sa katotohanan.
IDONEITA' ALLOGGIATIVA
Tulad ng nasasaad sa form EM – DOM/SUB ang tutuluyan o titirahan ng worker ay nararapat na angkop sa kundisyon ng kalinisan at kaaayusan na nasasaad sa pamamagitan ng isang dokumentasyon buhat sa Munisipyo.
Sa araw ng appointment, ang worker ay kailangang ipakita, hindi lamang ang dokumentasyon ukol sa pagkakaroon ng matutuluyan o matitirahan tulad ng declaraztion of hospitality, kontrata ng renta ng apartment kundi pati ang certifficato di idoneità alloggiativa o ang resibo ng request ng nasabing dokumento.