“May the example and courageous witness of Pedro Calungsod inspire the dear people of the Philippines to announce the Kingdom bravely and to win souls for God!” – Pope Benedict XVI
Roma, Oktubre 22, 2012 – Sa pamumuno ni Pope Benedict XVI sa Vatican City ay opisyal na nai-proklama ang ikalawang Pilipinong santo si Pedro Calungsod kahapon Linggo, ika-21 ng Oktubre matapos isagawa ang canonization rites.
Hinirang na santo si Calungsod sa isang pampublikong consistory, o isang assembly ng mga Katolikong kardinal, kasama ang anim na iba pa; Blessed Kateri Tekakwitha, Blessed Maria Anna Cope, Blessed Jacques Berthieu, Blessed Maria Schaeffer, Blessed Giovanni Battista Piamarta, at Blessed Maria del Carmen.
Sina Ricardo Cardinal Vidal, CBCP President Bp. Jose Palma, Manila Abp. Chito Tagle, Guam bishop Bp. Anthony Apuron, Fr. Robert Prevost, Fr. Miguel Angel Orcasitas and Msgr. Ildebrando Jesus Leyson ay kabilang na nag-concelebrate ng Papa sa espesyal na misa matapos ang canonization rites.
Sa wikang ingles ay binasa ng Papa ang kanyang mensahe ukol sa buhay ni Pedro Calungsod sa homiliya: “May the example and courageous witness of Pedro Calungsod inspire the dear people of the Philippines to announce the Kingdom bravely and to win souls for God!”. Ito ang paalala at hamon ng Papa sa nanatiling katolikong bansa sa Asya, ang Pilipinas. Upang ang mga halimbawa ni Pedro Calungsod ang maging gabay sa pagpapalaganap ng mabuting salita ng kaligtasan sa pamilya, sa komunidad, sa mga kabataan at maging sa buong mundo.
Binasa rin ang isa sa mga Panalangin ng Bayan sa dialektong Cebuano na iniaalay sa mga kabataan: "O God, source of all holiness, through the intercessions of the holy virgins, preserve our young people in integrity and in the joy of your friendship."
Ang mga Pilipinong dumalo sa Vatican
Sa kabila ng hanggang sa mga oras na ito, ay walang opisyal na bilang ang mga Filipino pilgrims, ang karamihan ng dumalo sa canonization rites ng pitong bagong santo ay pawang mga Pilipino, ayon kay Daniela Petroff ng Associated Press kahapon. Sa tinatayang 12,000 mga pilgrims mula sa bansang US, Germany, France, Spain at Italya, halos ang 7,000 ay mga Pilipino, ayon naman kay Philippine Ambassador to the Holy See Mercedes Tuason. “The Italian Embassy in the Philippines issued for 4,000 visas. One thousand pilgrims are from Paris, France alone”, dagdag pa ni Tuason.
Isang malaking bilang din ng mga Pilipino ang nagbuhat sa US, ayon kay Fr. Jun Limchua, miyembro ng Rome Commission for the canonization, sa isang panayam. Hindi rin pinalampas ng mga debotong Pilipino mula sa bansang Italya ang kanonisasyon ni Pedro.
Isang solemn procession naman ang ginawa mula sa Santa Pudenziana Basilica paikot sa Santa Maria Maggiore Basilica ng mga imahen nina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, matapos ang Solemn Vespers hapon ng linggo. (larawan ni: Boyet Abucay)