in

FNA, sa ikalimang taong anibersaryo

“5 years of rendering public service and enhancing the professional growth, moving forward for a better tomorrow”.

Roma – Ito ang tema sa ikalimang taong anibersaryo ng FNA o Filipino Nurses Association na ginanap noong June 23. Grupong binubuo ng mga nurses sa Italya at mga nagtapos ng nursing sa Pilipinas at nagsusumikap na maging ganap na mga infermieri sa bansa. Ito rin ang grupong boluntaryong nakatutuok sa kalusugan ng mga Pilipino sa bawat pagtitipon sa Roma. 

 
Kakaibang FNA ang natunghayan sa araw ng kanilang anibersaryo. Bukod sa kasiyahan at saganang hapag ay tunay na nakatawag pansin ang kakaibang anyo ng ating mga nurses na walang dalang stetoscope o anumang medical instruments.  Bagkus ay pawang mga talented entertainers sa ginanap na competition sa pagitan ng modern dance ng mga New comers at Rookies at Hawaian dance ng mga Veterans. Ganap na naaliw ang mga bisitang nakiisa buhat sa Embahada ng Pilipinas, mga Konsehal at business sector
sa nasabing pagdiriwang ng anibersaryo. 
 

Lumabas rin sa publiko sa unang pagkakataon ang miyembrong si Rodelyn, makalipas  ang inisdenteng naganap sa dalaga ilang buwan na ang nakalipas. Lubos ang naging pasasalamat ng dalaga sa pagiging totoong kapamilya ng FNA sa oras ng pangangailangan. 
 
Mula 20 bolontaryo noong 2001 ay umabot na sa 61 ang mga aktibong miyembro at  mayroong 14 na volunteers ang nasabing grupo matapos opisyal na matatag sa taong 2008 sa pamamagitan ni Loralaine Ragunjan.  Sa kasalukuyan ay ganap ng non-profit organization o ONLUS ang grupo at nagtataglay ng codice fiscale.
 
Patuloy ang pagsusumikap ng FNA sa pamamagitan ng president na si Tessie Pantaleon upang makatulong na maabot ang pangarap ng bawat miyembro. Sa katunayan, bukod sa mga medical missions at regular na pagbibigay ng Gabay Kalusugan buwan-buwan sa Ako Ay Pilipino, kabilang sa proyekto ng FNA ang pagbibigay ng refresher course sa mga miyembro nito bilang preparasyon sa mga pagsusulit upang maging rehistradong  nurse sa bansa sa tulong ni Prog.Dott. Alessandrro Mandraffino. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Boso (Lega): “Sono contento se affonda un barcone di immigrati”

Taunang sportsfest ng Sentro Pilipino Chaplaincy, muling ginanap