in

Danz Revo, isang tagumpay!

Naging matagumpay ang pagdiriwang na maituturing na pang-kabataan.Napagsama-sama ang mga kabataan sa iisang pagdiriwang!

Roma, Oktubre 3, 2013 – Ang Danz Revo -13 ay ginanap noong Sept 8, 2013 sa Teatro Aurelio, Roma. Ito ay isang dance contest  pinangunahan ng LSE 13 sa tulong ng OFSPES. Ang layunin ng LSE 13 ay makatulong lalo’t higit sa mga kabataan upang maipakita ang kanilang talento sa pagsayaw at upang mahimok din ang ibang kabataan na sumali sa mga organisasyon tulad nito.

Naging masaya at di-inaasahang magiging matagumpay ang pagdiriwang na maituturing na pang-kabataan. Napagsama-sama sa isang kompetisyon ang iba’t-ibang grupo ng mga mananayaw upang ipakita ang kanilang talento.

Naging makabuluhan  para sa lahat ang naging panimulang proyekto ng LSE 13 at inaasahan na may mga susunod pang proyekto. Sa kasalukuyan, ay pinag-aaralan ang pagkakaroon ng YOUTH CAMP kung saan muli ang mga kabataan ang sentro ng aktibidad. Ang youth camp naman ay pamumunuan rin ng LSE 13 sa tulong ng Filinvest Intl.

Pitong (7) grupo ang naglaban-laban sa danzrevo13. At pinalad na nagwagi ang mga sumusunod: Vyrus ang tinanghal na champion, Fmc bilang 1st runner up, Brothus moves bilang 2nd runner up at Mavaj group bilang 3rd runner up.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fish Escabeche

Oct 10, 2012 – deadline ng kontribusyon