Hanggang Enero 1, 2013 ay tinatayang aabot sa higit sa 3,7 milyon ang mga non-EU nationals na regular na naninirahan sa Italya.
Roma, Pebrero 12, 2014 – Sa simula ng 2013, ang mga mamamayang dayuhan na nakarehistro sa mga Munisipyo sa buong bansa ay halos 4,4 milyon, katumbas ng 7,4% ng mga residente (+8,3 % kumpara noong 2012). Bagaman hindi lumalabas na pare-pareho ang mga bilang ng mga dayuhan sa iba’t ibang rehiyon, higit na malaki ang bilang ng mga dayuhan sa Centre-North kung saan tinatayang halos 86% .
Ito ay batay sa ulat ng Istat “Noi Italia. 100 statistiche per capire il Paese in cui viviamo'', sa ika-anim na edisyon nito.
Hanggang Enero 1, 2013 regular na naninirahan sa bansang Italya ang halos 3,7 milyon non-EU nationals, may pagtaas ng humigit-kumulang 127,000 kumpara noong 2012. Samantala, sa pagitan ng taong 2011 at 2012, ay naitala ang isang pagbaba sa bilang ng pagpasok ng mga non-EU nationals sa bansa, katumbas ng 27 %.
Ang pagbaba ng mga bagong pasok na dayuhan ay sumasaklaw sa mga kalalakihan (-33%) higit sa mga kababaihan (-19.5%), ang mga permit to stay sa trabaho (-43,1%) higit sa mga bagong permit to stay para sa pamilya (-17%).