Narito ang bawat hakbang ng proseso online, mula registration hanggang sa paghahanda ng aplikasyon para sa seasonal workers ng Decreto Flussi 2018.
Matapos italaga ang dalawang click days ng decreto flussi 2018 – sinimulan kahapon ang pagpapadala ng aplikasyon para sa non-seasonal at self-employment job – simula ngayong araw Jan 24, 2018, sa website ng Ministry of Interior, ay available na for fill-up ang application forms ng seasonal job ng Decreto Flussi 2018. Samantala, ang mga ito ay maipapadala sa Jan 31, 2018 simula ng alas 9:00 ng umaga.
Narito ang bawat hakbang mula sa registration hanggang sa pagpapadala ng aplikasyon.
1. Magpunta sa https://nullaostalavoro.dlci.interno.it. Kung rehistrado na, basahin ang ika-4 na hakbang, ngunit kailangang mag-rehistro kung hindi pa rehistrado;
2. Ilagay ang personal datas sa registration form, mangyaring ilagay ang 5 letra ng kontrol at i-click ang ‘invia’;
3. Magpapadala ng email ang sistema kung saan nasasaad ang mga tagubilin upang makumpleto ang pagpaparehistro;
4. Mag-sign in sa nullaostalavoro.dlci.interno.it, at ilagay ang email at password at i-click ang “invia”;
5. Kapag naka-log in na, sa pahina “servizi disponibili”, i-click sa itaas na bahagi bandang kaliwa sa “Sportello Unico Immigrazione” ang “richiesta moduli”;
6. Sa “Decreto flussi 2018” at i-click ang “Richiesta di nulla osta al lavoro subordinato stagionale – Modulo C”;
7. Ngayon ay nasa unang pahina ng form. I-click ang “avanti” upang masimulan ang pagsagot dito;
8. Kakailanganin ilagay ang mga datos ng kumpanya na mage-empleyo sa seasonal worker sa Italya;
9. Ilagay rin ang datos ng employer/legal representative; ang datos kung saan kakailanganin ang visa at kung saan nais matanggap ang anumang kominikasyon.
10. Kailanganing tuluyin kung ang request ay multi-authorization (nulla osta pluriennale). Ang non multi-authorization ay balido lamang sa pagpasok ng seasonal worker sa 2018, ang multi authorization ay nakalaan sa mga seasonal workers na nasa Italya noong nakaraang taon at balido rin sa mga susunod na taon kahit walang decreto flussi;
11. Sa employment proposal ay kailangang tukuyin ang panahon ng trabaho, ang uri ng kontrato, ang uri at antas ng trabaho.
12. Tukuyin kung saan magta-trabaho;
13. Tukuyin rin kung saan maninirahan, tukuyin kung ang upa sa apartment ay babayaran ng employer at kung ito ay ikakaltas sa sahod ng worker;
14. Mangangakong sasagutin ang bayarin sa pagpapauwi sa worker sa kaso ng expulsion at ang pagbibigay-alam ng anumang pagbabago sa trabaho.
15. Tukuyin kung gaano karami ang mga trabahador at kung magkano ang kinikita ng kumpanya upang masuri ang kakayahang mag-empleyo nito.
16. Ilagay ang numero ng e-revenue stamp na nagkakahalaga ng 16 euro na kakailanganin sa pagsusumite ng aplikasyon at ito ang magpapatunay sa isinulat sa online application at i-click ang “salva”.
Sa puntong ito, ang aplikasyon ay nai-saved na at maipapadala lamang sa January 31, 2018.