in

April 10, duedate sa pagbabayad ng kontribusyon sa Inps ng mga colf

Nakatakda sa Abril 10, 2018 ang duedate sa pagbabayad ng kontribusyon ng mga colf at caregivers. 

 

 

Ang mga employers sa domestic job ay obligasyong gawin ang unang hulog ng kontribusyon sa INPS. Ito ay tumutukoy sa unang quarterly payment na dapat bayaran mula April 1-10, 2018. 

Ang hulog ay sumasaklaw sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso 2018

Ang mga employers ay maaari itong bayaran gamit ang bollettini MAV na ipinadala ng Inps. Kailangan lamang ilagay ang petsa ng pagbabayad at lagda ng employer.

Maaari rin itong bayaran sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan:

  • Sa post offices, tobacco shops na may kasunduan sa Inps, Unicredit bank sa pamamagitan ng Reti Amiche, gamit ang tax code (o codice fiscal) ng employer at worker;
  • Online o sa pamamagitan ng Inps Contact Center (toll free number 803 164 mula landline at 06 164164 mula sa mga cellular phones)
  • Online sa pamamagitan ng “Pagamento Immediato PagoPa” gamit ang credit card, debit o prepaid card o bank account.

Nakalaan ang pagkakaroon ng dalawang kopya ng resibo sa bawat pamamaraan ng pagbabayad; ang isang kopya nito ay kailangang ibigay sa worker. 

Sa sinumang magbabayad sa pamamagitan ng Contact Center ay bangko naman ang magpapadala ng resibo: maaaring online sa email address o koreo sa home address. 

Ang halaga ng kontribusyon ay ayon sa inilathala ng tanggapan sa pamamagitan ng Circular 15 ng Jan 29, 2018

Sa sinumang magbabayad gamit ang bollettini MAV ay hindi na kailangang gawin ang kalkulasyon dahil ito ay ginawa na ng tanggapan ng Inps. 

Gayunpaman, sa mga kontrata na nagkaroon ng pagbabago sa oras ng trabaho ng mga colf ay kailangang gawin ang kalkulasyon para sa unang hulog nito. 

Upang maging madali ang kalkulasyon para sa mga employer ay naglaan ang Inps ng ‘simulatore online’ na maaaring makatulong sa kalkulasyon batay sa uri ng kontrata: determinato o indeterminato; oras ng trabaho at halaga ng sahod ng mga colf. 

Ang mga susunod na pagbabayad ng ‘contributi Inps’ sa taong 2018 ay ang sumusunod:

  • July 1-10, 2018 – para sa buwan ng April, May at June 2018;
  • October 1-10, 2018 – para sa mga buwan ng July, August at September 2018;
  • January 1-10, 2019 – para sa mga buwan ng October, November at December 2018. 

 

Basahin rin: 

Halaga ng kontribusyon sa domestic job, ang mga pagbabago sa taong 2018

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Apila ng Inps, tinanggihan ng Court of Appeals

Filipino Community, aktibo sa paggunita sa Mahal na Araw sa Roma