in

Bagong buwis sa mga remittances, nais ng gobyerno

Isang bagong buwis ang nais ipataw ng gobyerno sa mga money transfer o remittances ng mga non-Europeans sa bansa.

Ito ay tumutukoy sa isang susog mula sa Lega na nagpapataw ng isang bagong buwis sa mga dayuhan sa decreto fiscale. Ito ay tumutukoy sa 1.5% buwis ng halagang ipapadala ng mga dayuhan mula Italya sa kanilang mga mahal sa buhay sa sariling bansa.

Ang bagong buwis ay inaasahang magpapasok sa kaban ng bayan ng halos 60 million euros at ito ay partikular na manggagaling mula sa mga Bangladeshi, Filipinos, Senegalese at mga Indians.

Ayon sa Leone Moresca foundation, sa unang bahagi lamang ng 2018 ay muling nagtala ng isang positibong pagtaas ang mga remittances mula 2013. Umabot sa halagang 2.71 billion euros ang halagang lumabas ng Italya na nagtala ng isang pagtaas ng 11% kumpara noong nakaraang taon, 2017.

Kung mananatili ang nagsimulang ritmo ng money transfer ngayong taon, ay posibleng umabot ito hanggang 5.5 billion hanggang katapusan ng taon.

Noong 2017 ay umabot ang kabuuang money transfer sa halagang 5 billion. Halos 80% ng halagang nabanggit ay napunta sa mga non European countries (4,13 billion euros) kabilang ang Pilipinas.

Kung maaaprubahan ay ipapataw ang hypothetical tax ng 1.5% – ayon sa mga researchers ng Moresca foundation – ay papasok sa kaban ng bayan ang 52 million euros ngayong taon”.

Partikular, sa ulat ng Repubblika, pangunahing apektado nito ay ang mga Bangladeshi, bagaman nangunguna sa listahan ng pinakamalaking halaga ng remittance ay ang Romanians na exluded sa bagong buwis dahil country member ng EU. “Ang mga Bangladeshi ay unang apektado nito na magbabayad ng tinatayang 8 million euros mula sa remittance na kanilang ipinadala sa Bangladesh”. At dahil mayroong 130,000 Bangladeshi sa Italya, bawat isa sa kanila, kasama ang mga bata at matanda ay tila magbibigay ng yearly tax na nagkakahalaga ng € 60.

Susundan ito ng mga Pilipino na tinatayang aabot sa 4.9 million ang buwis na ipapasok sa kaban ng bayan. Sumunod ang Senegalese 4.6 million; Indians 4.4 million; Sri Lankans 4.2 million at Moroccans 4.2 million.

Elaborazioni Fondazione Leone Moressa su dati Banca d’Italia

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tipid tips para sa mga Pinoy sa Italya ngayong Pasko

Gastusin para sa mga caregivers, mataas na rin ayon sa DOMINA