in

Halaga ng Assegno Sociale 2019, itinaas sa € 458,00

Mula € 453.00 ay itinaas sa € 458,00 ang halaga ng assegno sociale para sa taong 2019.

Mula Enero 1, 2019 ay may bagong itinalagang halaga at edad para sa Assegno Sociale.

Ang mga kwalipikado sa benepisyo para sa taong 2019 ay makakatanggap ng € 458,00 sa loob ng 13 buwan (o € 5954,00 sa isang taon) sa pagsapit ng 67 anyos.

Ang assegno sociale ay isang welfare benefit na kinikilala ng batas sa sinumang makakatugon sa mga reqirements nito kahit hindi nakapaghulog o nakapag bayad ng kinakailangang kontribusyon para sa old age pension o pensione di vecchiaia.

Gayunpaman ang itinakdang edad sa taong 2019 na 67 anyos ay inaasahang mananatili hanggang sa susunod na taon, 2020.

Bukod sa edad ay may itinalaga ring halaga ng sahod bilang requirement ng social allowance. Para matanggap ito, ang kabuuang sahod ng isang pensioner ay hindi dapat lalampas sa € 5.954,00  ­­­­­- sa isang taon kung single, at € 11.908,00 naman kung married. Ang mga pensioners na magdedeklara ng pagkakaroon ng nabanggit na halaga ay sasailalim sa pagsusuri ng Inps.

Sinu-sino ang maaaring mag-aplay ng welfare benefit:

  • Matroong edad na 67 anyos;
  • Mayroong mababang kita sa isang taon katumbas ng € 5.954,00  kung single at at € 908,00  kung married;
  • Italian citizen;
  • Dayuhang mayrrong EC long term residence permit o dating carta di soggorno;
  • Residente at tuluy-tuloy ang paninirahan sa Italya ng sampung taon pataas.

Maaaring magsumite ng aplikasyon online gamit ang personal PIN mula sa Inps sa website nito; sa tulong ng mga patronato, CAF o mga ccredited offices at sa pamamagitan ng contact center ng Inps.

Sa aplikasyon ay kailangang ilakip ang lahat ng dokumentasyon na magpapatunay ng sahod at edad.

Basahin din:

Assegno sociale, ano ito at ang halaga nito sa mga dayuhan

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2019, mas maraming expulsion kaysa sa mga pumasok sa bansa na dayuhan

EUROPEAN SINULOG FESTIVAL sa Torino, simbolo ng Pananampalataya at Pagkakaisa ng mga Pilipino