in

Paano at kailan dapat isumite ang sertipo mula sa sariling bansa para sa Reddito di Cittadinanza?

Ang pamamaraan ay manggagaling mula sa Inps” – ito ang mababasang nakasulat sa updated application form ng Reddito di Cittadinanza.

Inilabas na ng Inps kahapon sa official website nito ang mga updated application forms ng Reddito at Pensione di Cittadinanza matapos pansamantalang inihinto ang pagtanggap ng mga aplikasyon, dahil sa mga pagbabagong hatid ng pagsasabatas ng DL 28 gen 2019, n. 4 na inilathala sa Official Gazette noong nakaraang March 29, n. 75.

Sa pagsasabatas ay nasasaad na ang mga non-Europeans, maliban sa ilang exemption, ay maaaring makatanggap ng tulong pinansyal sa pagkakaroon lamang ng dokumento mula sa sariling bansa. Ito ay ang Certificate ng family composition, sahod o anumang income at assets.

Ang bagong requirement ay ang idinagdag sa updated application form at ang sinumang pipirma nito ay sumasang-ayon sa nasasaad dito: “Upang matanggap ang tulong pinansyal, ang mga mamamayan ng bansang hindi kasapi ng EU ay kailangang magsumite ng angkop na sertipiko mula sa sariling bansa, translated sa wikang italyano, authenticated at legalized sa Italian Embassy/Consulate, upang mapatunayan ang family composition at upang mapatunayan kung tumatanggap ng karagdagang income mula sa mga ari-arian sa sariling bansa”.

Gayunpaman, ipinapaalala sa updated form na mayroong exemption ang pagsusumite ng sertipiko tulad ng:

  • Mga refugees;
  • Mga mamamayan ng bansang may kasunduan sa Italya;
  • Mga mamamayan ng bansang imposible ang magkaroon ng sertipikong hinihingi. Ang listahan ng mga bansang ito ay magmumula sa Ministries of Foreign Affairs at Labor, sa loob ng tatlong buwan mula sa petsa ng pagpapatupad ng bagong normatiba

Ngunit paano at kailan dapat isumite ang sertipo? Sa form ay nasasaad din ang kasagutan na “ang pamamaraan ay manggagaling mula sa Inps

 

Basahin din:

Reddito di Cittadinanza, paano matatanggap ng mga dayuhan? 

Bagong requirement ng Reddito di Cittadinanza para sa mga dayuhan, aprubado

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permit to stay, dapat bang dala palagi ng mga Pilipino?

Pamamaraan ng Pagboto