Simula kahapon ay maaari ng sagutan online ang mga aplikasyon sa website ng Ministry of Interior: http://domanda.nullaostalavoro.dlci.interno.it para sa pagpasok sa bansa ng 30,850 non-European workers; kabilang dito ang mga manggagawang nasa bansa na at maaaring mag-convert ng hawak na permit to stay at ang mga nasa sariling bansa at may posibilidad na magtungo ng Italya para maging seasonal workers.
Para sa non-seasonal at conversion ng mga permit to stay ay magsisimula ng alas 9 ng umaga ng April 16, 2019. Habang ang para sa employment ng mga seasonal workers naman ay magsisimula ng alas 9 ng umaga ng April 24, 2019. Ang pagsusumite ng aplikasyon ay nakatakda hanggang Dec. 31, 2019.
Para sa access sa website ay kinakailangan ang SPID ID. Pagkatapos ay i-click ang “Sportello Unico Immigrazione“, pagkatapos ay “Richiesta moduli”.
Narito ang iba’t ibang application forms para sa Decreto Flussi 2019:
- Modelli A at B para sa mga workers na residente sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil na Italian origins.
- Modello C-Stag para sa aplikasyon ng Nulla Osta al lavoro stagionale.
- Modello VA para sa conversion mula permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di lavoro subordinato;
- Modello VB para sa conversion mula permessi di soggiorno per lavoro stagionale sa lavoro subordinato;
- Modello Z para sa conversion mula permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo;
- Modello LS para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
- Modello LS1 para sa aplikasyon ng Nulla Osta per lavoro domestico para sa mga dayuhang mayroong EC long term residence permit;
- Modello LS2 para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa lavoro autonomo;
- Modello BPS para sa aplikasyon ng Nulla Osta sa hiring na nakalaan sa mga special projects