in

PE Rome, dinagsa pa rin ng mga botante kahit Postal Voting

Dumagsa pa rin ang mga Overseas Registered Voters sa Embahada ng Pilipinas sa Roma sa unang 2 araw ng Overseas Voting sa kabila ng Postal Voting ang paraan ng pagboto dito.

Umaga pa lamang ng Sabado ng April 13 ay marami ng mga registered voters ang dumagsa sa Embahada para bumoto. Kabilang dito ang mga nag-request na huwag ipadala sa koreo ang balota at kukunin na lamang ng personal. Ang ilan ay iniuwi muna ang balota. Ang ilan naman ay bumoto na rin sa araw na iyon at inihulog ang sarado at selyadong balota sa Comelec box

Para kay Rey Biali, tubong Cotabato, isa sa mga walk-ins Sabado ng umaga, ay piniling kunin ang kanyang balota at ang iuwi muna ito para mapag-isipang mabuti kung sino ang iboboto at ibabalik muli ng personal ang balota sa Embahada.

Mahalaga kasi para sa akin ang pagboto dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan”, aniya.

Samantala, para kay Carmelita Cadelina Jaleco, 34 taon ng nagta-trabaho sa Italya, ay mas piniling kunin ang balota at bumoto na rin ng parehong araw dahil na rin umano sa kawalan ng panahon dahil sa kanyang trabaho.

Upang hindi sila ma-disenfranchised at dahil personal na rin namang nagtungo sa Embahada ang mga registered voters, ay pinahintulutan na silang bumoto”, kumpirma ni Ambassador Nolasco.

Ang iba naman sa kanila ay walang kamalayan ukol sa pagbabago ng paraan ng pagboto. Natiyempuhan lamang ng mga botante na hindi pa napapadala ang mga balota sa koreo.

Ngunit karamihan sa mga registered voters na nagpunta sa Embahada hanggang araw ng Linggo ay dahil nangangamba kung saang address ipapadala ang kanilang mga balota dahil karamihan sa mga botante ay lumipat na ng tirahan at iba na ang home address.

Isa na rito si Rey Fernandez. “Mabuti na lamang at kinuha ko ng personal ang aking balota sa embassy dahil ang address na nakalagay sa sobra ay address ko 10 yrs ago at ako ay nakalipat na”, aniya.

Gayunpaman, patuloy ang panawagan sa ating mga kababayan, ngayon, April 15, ang huling araw na pinahihintulutan ang mag-request na huwag ipadala ang balota sa koreo at ito ay kukunin na lamang ng personal. Ika nga, “Boto mo, ingatan mo“.

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Overseas Voting sa Milan, mababa ang bilang ng mga botante sa unang dalawang araw

Pinoy, maaari bang mag-aplay ng ‘nulla osta pluriennale’ ng Decreto Flussi?