Mahigit 220 ang bilang sa 27,000 mga registered voters ang nagtungo sa Phillipine Consulate General in Milan para sa unang dalawang araw ng Midterm Elections na magtatagal ito hanggang alas12 ng tanghali ng ika-13 ng Mayo ng taon kasalukuyan.
Naunang nakapag cast ng boto ang ofw na si Cri Quismorio at isa din sa mga maagang bomoto si PCG Milan Consul General Irene Susan Natividad.
Ayon sa Consul General ang mga Special Board of Election Inspectors o SBEI ang siyang magpapasok ng mga balota sa Vote Counting Machine o VCM at ito ay gaganapin tuwing Lunes at Huwebes kaharap ang mga poll watchers, media at maging ang publiko.
Samantala, isang makina ang pumalya ng isinagawa ang vcm testing noong ika-8 ng Abril ng taon kasalukuyan at ayon kay Donnie Figueroa ang inatasan COMELEC Technician, maaring “in transport” ang sanhi kung kayat hindi gumana ang nasabing makina kung kayat agad inilabas ang isa sa dalawang contingency o back-up machine upang ipagpatuloy ang dry run ng makina.
Mahigit 28 receptacles ang nakaabang para lagyan mahigit 1000 casted ballots kada isa nito para sa kabuoang bilang ng Overseas Registered Voters sa Milan at North of Italy.
Inaasahan ng PCG Milan na ipapadala agad ng COMELEC ang isang VCM upang manatiling 2 ang contingency machines sa Milan.
Chet de Castro Valencia