in

Higit sa 60,000 RdC cards, hawak ng mga dayuhan

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Ayon sa mga pinakahuling ulat, tinatayang aabot sa 60,000 ang mga cards na hawak ng mga dayuhan kung saan matatanggap ang inaplay na Reddito di Cittadinanza.

Ngunit makalipas ang anim na buwan at saka pa lamang malalaman kung talagang may karapatan ba sa benepisyo ang mga dayuhang aplikante. Ito ay dahil hindi posibleng masuri, bago mag-Oktubre, ang pinakahuling requirement na isinulong ng Lega, o ang certificate ukol sa ari-arian at family composition ng dayuhan mula sa sariling bansa.

Bilang resulta, ang mga dayuhan, mula Abril ay may 6 na buwang palugit upang ilakip sa aplikasyon ang bagong requirement. Samantala, ang mga aprubadong aplikasyon at binigyan na ang card ay siguradong matatanggap ang benepisyo hanggang Oktubre.

Ayon pa sa ulat ng Messaggero.it, tinatayang aabot sa kabuuang halaga na 150M hanggang 200M ang halagang hanggang Oktubre ay matatanggap umano ng mga dayuhan sa pamamagitan ng card.

Gayunpaman, ang bagong requirement o sertipiko ay naging sanhi ng pagbagal sa mga aplikasyon. Sa katunayan, sa buwan ng Abril ay bumaba sa 10,000 ang mga aplikasyon.

May kabuuang bilang na 116,000 ang mga aplikasyon mula sa mga non Italians: Europeans at mga non-Europeans. Sa bilang na nabanggit, ay 86,000 ang mula sa mga dayuhan o mga non-Europeans. Nangunguna ang mga Romanians sa dami ng aplikante: 23,335; sinundan ng mga Moroccans: 21,198; Albanians: 9,724.

 

Basahin rin:

Reddito di Cittadinanza, mga dapat malaman

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bahagi ba o hindi ng ‘nucleo familiare’ ang miyembro ng pamilya ng dayuhan na naiwan sa sariling bansa?

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Atake sa Puso