in

Free Medical Check-up, handog ng Santo Padre sa World Day of the Poor

Sa ikatlong taon ng World Day of the Poor na inilunsad ni Pope Francis sa pagtatapos ng Extraordinary Jubilee of Mercy noong 2016, ay muling maghahandog ng free medical check-up sa plasa ng St. Peter’s Basilica sa Vatican.

Dala ang anumang uri ng pagkakakilanlan o ID, ang mga mobile health clinic sa bandang kaliwang bahagi ng plasa, sa loob ng isang linggo, mula Nov 10 hanggang Nov 17 – simula alas 8 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi, ay “handang magbigay ng free medical check ups partikular para sa mga mamamayang nahihirapang magkaroon ng access sa ganitong uri ng serbisyo”, ayon sa press release ng Vatican.

Salamat sa suporta ng mga mahahalagang health organization ay higit na mas malawak ang mga serbisyo ngayong taon:  general medicine, cardiology, diabetology, dermatology, rheumatology, infectious diseases, gynecology, ophthalmology, podiatry, anti-influenza vaccination at mga ultrasound scans”, ayon sa press release.

Noong nakaraang taon ay umabot sa 3,500 ang mga mamamayang nakatanggap ng free medical check up.

Samantala, sa Linggo, Nov 17, ay pangungunahan ng Santo Padre ang banal na misa at pagkatapos ay kasamang manananghalian ang tinatayang 1,500 na mahihirap na residente sa Rome at buong Lazio region sa Paul VI hall.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagtatanggal ng cash salary sa domestic job, isinusulong!

Inaagawan nga ba ng mga migrante ng trabaho ang mga Italians?