Ang bakuna laban Covid19 ay nakalaan din sa mga migrante na regular na naninirahan sa Italya. Ito ang kinumpirma ni Emergency Commissioner Domenico Arturi sa isang panayam. Bukod dito ay sinabing “Ang mga migrante ay may pantay na karapatan katulad ng mga Italians”. Aniya, mahalagang ang lahat ng mga mamamayan na regular na nasa bansa ay mabigyan ng bakuna.
“Mas mahalagang mabakunahan ang mga taong hindi nagkaroon ng Covid19 dahil sil ay walang immunity. Para naman sa mga nagkasakit na, ay babakunahan din sa pagtatapos ng kanilang immunity. Ngunit hindi sila kasama sa mga priyoridad”
“Magsasagawa tayo ng isang mahusay na kampanya para sa pagbabakuna. Ang mga lugar kung saan magpupunta para magpabakuna ay siguradong outdoor. Mayroong 300 mga ospital kung saan gagawin ang pagbabakuna ng Pfizer”. Aniya, may ginagawa din umanong pag-aaral para sa isang sistema ukol sa traceability ng mga bakuna. Bukod pa sa panawagan sa 20,000 mga professionals: nurses at mga duktor na makakatulong para sa kampanya ng bakuna.
Basahin din:
- Bakuna kontra Covid19, isa bang obligasyon?
- Bakuna laban Covid19, higit 20 milyon doses sa Italya hanggang Hulyo