Sa pagtatapos ng restriksyon sa panahon ng Kapaskuhan ay inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang ipatutupad na restriksyon. Ito ay habang hinihintay ang pagsusuri sa epidemiological curve sa mga susunod na araw.
January 7 & 8 – Zona Gialla
Sa loob ng 48 oras ay maituturing na malaya ang lahat.
Bukas ang mga bar at restaurants hanggang 6pm. May pahintulot ang take out at home deiveries.
Ang mga shops ay bukas hanggang 8pm.
May pahintulot ang sirkulasyon sa loob ng sariling Rehiyon.
Ang curfew ay magpapatuloy mula 10pm hanggang 5am.
January 9 & 10 – Zona Arancione
Sa dalawang araw na nabanggit ay ipatutupad ang restiksyon ng zona arancione.
May pahintulot ang pagpunta sa ibang Comune kung ang populasyon ay mas mababa sa 5,000. Ngunit ito sa loob lamang ng 30 km mula sa tirahan, ngunit hindi sa capoluogo ng provincia.
Ang mga shops ay bukas hanggang 9pm.
Ang mga bar at restaurants ay bukas lamang para sa take out at home deliveries.
Tulad sa zona rossa, ang pagbisita ng hanggang 2 katao sa bahay ng miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan. Ang mga mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang. Ito ay kahit sa ibang Comune, sa kundisyong nasa parehong Rehiyon. Gayunpaman, may pahintulot ito isang beses sa maghapon, sa pagitan ng 5am hanggang 10pm. Bago ang oras ng curfew mula 10pm hanggang 5am.
January 7 – January 15
Simula January 7 hanggang January 15, ay ipinagbabawal sa buong bansa ang paglabas mula at pagpunta sa ibang Rehiyon. Maliban na lamang kung para sa trabaho, kalusugan at pangangailangan.
May pahintulot ang pagbalik sa sariling bahay – kung saan residente (residenza) o kung saan tumutuloy (abitazione o domicilio)
Ipinagbabawal ang pagpunta sa ikalawang bahay na nasa ibang Rehiyon.
Ipatutupad ang curfew mula 10pm hanggang 5am. At ang Autocertificazione ay kailangan sa oras ng curfew para sa mga pinahihintulutang dahilan.
Narito ang form ng Autocertificazione.
(Pia Gonzalez-Abucay)