in

Pinoy frontliner sa Italya, nabakunahan na laban sa Covid19

Pinoy frontliner bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Bilang isang  frontline – public rescuer, ambulance driver at first responder ng 118 sa Pistoia-Empoli, ay kabilang si Quintin Kentz ‘Bosing’ Cavite Jr. sa hanay ng mga nabakunahan na laban Covid19 sa Italya.

Kumbinsido ka ba 100% sa pagpapabakuna?

Kumbinsido ako sa pagpapabakuna at never ako nagkaroon ng pagaalinlangan. Minsan kasi ang dahilan ng gulo sa isip natin ay misinformation. Mabilis kumalat ang mga balita na hindi sangayon sa bakuna ngunit kailangan muna nating suriin ang sources. 

Nang magsimula ang pandemic at marami akong nakitang mga pasyente na malalakas ngunit biglang nanghina nang tamaan ng covid19. Wala na akong ibang “pangarap” kundi ang mabalitaan na mayroon nang bakuna laban sa deadly virus na ito. Ang pagiging frontliner ay isang malaking bagay na nakatulong sa akin para magkaroon ng malinaw na ideya tungkol sa nakamamatgay na sakit na ito. Mismong mga mata ko ang nakakita ng kundisyon ng mga pasyente. Kami ang sumusundo sa bahay at nagdadala sa kanila sa ospital. Sa ilang minutos sa loob ng ambulansya, wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan ang pasyente na sobrang hirap ang pinagdadaanan.

Ano ang naramdaman mo sa oras na binabakunahan ka?

Habang binabakunahan ako ay magkahalong emosyon ang aking naramdaman. Masaya ako dahil isa ako sa mga naunang mabakunahan. ngunit curious din ako kung ano ang mararamdaman ko matapos akong maturukan ng bakuna dahil sa mga naririnig at napapanood kong mga kuwento ng mga nauna sa akin. 

Ano ang pakiramdam mo ngayon?

Isang araw matapos ang bakuna ay back to normal naman lahat. Ilang oras matapos ang bakuna ay medyo mabigat ang aking braso. Pero hindi naman ako nag-alala dahil halos lahat ng nabakunahan ng anti-covid19 ay nakaramdam ng ganon. 

Ano ang mga inaasahan mo ngayon na may bakuna ka na?

Umaasa ako na mas lalakas ang proteksyon ng katawan ko laban sa virus na covid at mas magagawa ko ng ligtas ang aking tungkulin sa aming field dahil kami ang unang humaharap sa mga pasyente bago pa man sila dalhin sa ospital. 

Ano ang halaga nito para sa iyo?

Napakahalaga sa akin ng bakuna dahil sa natura ng aking trabaho. Maihahalintulad ko siguro sa “1st class” na proteksyon ang bakuna. Kung mayroong mga panlabas na PPEs para protektahan ang ating katawan sa virus tulad ng hospital gowns, gwantes, masks, at face shields, ang bakuna naman ay ang ating magiging “internal PPE” at siya ang direktang haharap sa covid19 virus.

Ano ang mensahe mo sa konunidad?

Ang mensahe ko sa komunidad ay huwag matakot sa bakuna. Maaring ito ay may mga collateral effect ngunit ito ay very minimal. Lahat naman halos ng gamot ay may mga “contraindications“, at hindi 100% ok sa lahat ng tao. Kailangan lang na ikonsulta muna ang family doctor kasi sila ang mas nakakaalam sa kundisyon ng ating kalusugan. Kung may malaking peligro para sa atin ay sasabihin  naman ng doktor na hindi maipapayo na magpabakuna. Ngunit ang mga ganitong kaso ay madalang. 

Walang duda na ang bakuna ay proteksyon. Ngunit hindi ibig sabihin nito na ipagwawalang bahala na natin ang self-protection. Patuloy pa rin nating sundin ang mga paalala ng mga awtoridad. Magsuot lagi ng masks, maghugas palagi ng kamay at panatilihing malinis ang katawan, at iwasan ang mga pagtitipon. Kung walang mahalagang pakay sa labas, stay at home!

(PGA & Photo credit: Dominik Mariani)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian Citizenship: Dalawang taong proseso, aprubado

Pagbabalik eskwela Scuola Superiore Ako Ay Pilipino

Scuola Superiore, handa na ba sa pagbabalik eskwela?