in

Gabay sa Ricongiungimento Familiare – Ikalawang bahagi

Gabay sa Ricongiungimento Familiare Ako Ay Pilipino

Sa ikalwang bahagi ng Gabay sa Ricongiungimento Familiare ay sasagutin ang mga katanungan ukol sa requirements sa aplikasyon ng entry visa papuntang Italya at ang mga dapat gawin pagdating sa Italya. 

Paano mapapatunayan ang relasyon sa miyembro ng pamilya na nais papuntahin sa Italya?

Dokumentasyon na nagpapatunay sa relasyon ng pamilya 

  • Certifico di Stato Famiglia o family status certificate sa kaso ng family reunification ng asawa, upang patunayan na walang ibang asawa sa Italya;
  • Marriage certificate ng magulang sa kaso ng family reunification ng magulang, upang patunayan ang pananatili ng anak sa Italya at ang kawalan ng ibang kasal nito. 

Mabibigyan ba ng entry visa ang miymebro ng pamilya papunta sa Italya? 

Ang miyembro ng pamilya ay kailangang isumite ang mga dokumentasyon, kasama ang magpapatunay ng relasyon, sa Italian Embassy sa Pilipinas. Ito ay gagawa ng mga pagsusuri. Kung positibo ang resulta ng pagsusuri, ang embahada ay magbibigay ng visto per ricongiungimento familiare, makalipas ang 30 araw mula sa pagsusumite ng aplikasyon. (Paalala, sa panahon ng pandemya, ang panahong nabanggit ay hindi magagarantiya). 

Ang pag-iisyu ng entry visa sa miyembro ng pamilya (kung para kanino ang nulla osta) ay napapailalim sa mga pagsusuri ng italian embassy. Ito  ang magpapatunay ng pagiging orihinal ng mga dokumento na ukol sa relasyon, ng dokumento mula sa dayuhan sa Italya, ng menor de edad at ng kalusugan.  

Para sa pagsusumite ng aplikasyon ng entry visa for ricongiungimento familiare at ang mga requirements nito, bisitahin ang website ng Italian Embassy sa Pilipinas.

Ano ang dapat gawin ng miyembro ng pamilya na nakatanggap ng entry visa sa Italya? 

Sa loob ng 48 hrs mula sa pagdating ng miyembro ng pamilya sa Italya, ay kailangang gawin ng dayuhan sa Italya ang isang deklarasyon. Ito ay ang Cessione fabbricato sa Commissariato at itabi ang isang kopya nito. 

Sa loob ng 8 araw mula sa pagdating sa Italya, ay kailangang gawin ang komunikasyon ng pagdating sa bansa ng miyemrbro ng pamilya sa Sportello Unico per l’Immigrazione, sa Prefettura. Pagkatapos ay kailangang hintayin ang ‘convocazione’ o appointment para sa mga kinakailangang dokumento para sa aplikasyon ng first issuance ng permesso di soggiorno per motivi di famiglia o EC long term residence permit, na dadalhin pagkatapos sa post office. 

Paalala, sa ibang lugar ang paghihintay ng appointment sa Prefettura ay halos 4 hanggang 6 na buwan. Sa panahong ito, ang dayuhan ay walang access sa anumang serbisyo o benepisyo hanggang hindi nakakapg-aplay ng permesso di soggiorno. 

Anong uri ng permesso di soggiorno ang matatanggap ng miyembro ng pamilya? 

Ang dayuhang kadadating pa lamang sa Italya sa pamamagitan ng entry visa per motivi familiari ay may karapatang magkaroon ng permesso di soggiorno per motivi familiari.

Ang ganitong uri ng permesso di soggiorno ay nagpapahintulot sa access sa iba’t ibang serbisyo, pagpapatala sa isang kurso, pagta-trabaho, pagsisimula ng business at maaari ring mai-convert sa permesso di soggiorno per motivi di lavoro kung mayroong sapat na requiremenst para sa issuance nito. 

Ang mga mas bata sa 14 anyos, mula noong 23 July 2016, sa pamamagitan ng Batas 122 ay hindi na kasama sa permesso di soggiorno ng magulang.  

Nasasaad ang pagkakaroon ng sariling permesso di soggiorno ng mga menor, kahit mas bata sa 14 anyos. 

Iisyuhan ng permesso di soggiorno per motivi di famiglia

Sa pagsapit ng 18 anyos ng anak at nananatiling carried o ‘a carico’ ng magulang, sa pagkakaroon ng sapat na requirements, ay maaari pa ring bigyan ng permesso di soggiorno per motivi familiari ang anak. Ang validity ng dokumento ay katulad ng validity ng dokumento ng magulang. Ito ay dahil obligasyon ng magulang ang buhayin ang anak hanggang ito ay magkaroon ng trabaho at sapat na mapagkukunang pinansyal para sa sarili.

Sa kasong ang dayuhan na nag-aplay ng ricongiungimento familiare ay mayroong EC long term residence permit, ang Questure ay karaniwang nag-iisyu sa miyembro ng pamilya na kadarating lamang sa Itaya ng normal na permesso di soggiorno per motivi familiari

Sa ilang kaso (HINDI sa lahat), matapos isumite ang aplikasyon ng uanng permesso di soggiorno, ay nagpapatuloy na sa iscrizione anagrafica at issuance ng certificato di carichi pendenti at casellario giudiziale. Sa pagkakaroon ng mga nabanggit, ay maaaring mag-request ng EC long term residence permit para sa miyembro ng pamilya na kadarating pa lamang, ng hindi magsusumite ng panibagong aplikasyon. 

Basahin din:

Ang Gabay sa Ricongiungimento Familiare ay sinulat ni: Avv. Francesco Lombardini,Studio Legale – Viale G. Carducci, 107 – Cesena (FC)Telefono: 338 93 55 808

Email: studiolegale@avvocatofrancescolombardini.it

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Dark red, ang bagong kulay sa EU na naglalarawan ng high risk

Giuseppe Conte nagbitiw na Ako Ay Pilipino

Giuseppe Conte, nagbitiw na bilang Presidente ng Konseho ng mga Ministro