in

Paano ang legalization ng mga dokumento mula sa Pilipinas? Ano ang tinatawag na Apostille?

Upang maging balido ang isang dokumento sa Italya na inisyu sa Pilipinas ay dapat gawin ang legalization ng nabanggit na dokumento sa Pilipinas na naglabas ng orihinal na dokumento.

Ang legalization ng isang dokumento ay nangangahulugan na iba-validate o kukumpirmahin ang pirma ng opisyal na naglabas ng dokumento. Ang naturang validation ng pirma sa dokumento ay ginagawa ang dokumento bilang authentic o tulad ng orihinal at samakatwid ay balido para sa paggamit nito sa isang bansa, tulad ng Italya, bukod sa Pilipinas na nag-isyu nito.

Ayon sa iba’t ibang kasunduang internasyonal, ang pamamaraan para sa legalization ng dokumento ay maaaring magkakaiba. Partikular, ang pinakamahalagang kasunduan na isinasaalang-alang ay ang Hague Convention ng 5 Oktubre 1961 tungkol sa pagtatanggal ng legalization ng mga foreign public documents. Samakatuwid mahalagang malaman kung ang bansa na nag-isyu ng dokumento ay pumirma sa nabanggit na kombensiyon o hindi, dahil nagbabago ang pamamaraan ng ligalisasyon.

Ang Pilipinas ay opisyal na naging bahagi ng Apostille convention noong nakaraang May 14, 2019. Ano ang ibig sabihin nito? 

Ang Authentication ay nananatiling kailangan para sa mga dokumento na gagamitin sa labas ng Pilipinas ngunit sa pagkakataong ito, ang Apostille na ang ginagamit sa halip na Authentication certificate, na kilala rin sa tawag na Red ribbon, bilang patunay ng authentication.

Ito ay nangangahulugan na kailangan ang Apostille sa orihinal na dokumento mula sa Pilipinas. At ang Department of Foreign Affairs at ang mga ahensya nito ang awtoridad sa Pilipinas na gumagawa nito. 

Ang Apostille ay isang anotasyon na inilalagay ng awtoridad sa orihinal na dokumento at pinalitan nito ang legalization o authentication sa mga embassy o consulate kung saan gagamitin ang dokumento. Ito ay maaaring isang timbro, o isang papel na inilalakip sa orihinal na dokumento. 

Sa puntong ito ay kailangang gawin ang translation sa italian language ng dokumento na apostilled na. Kung sa Italya gagamitin dokumento, ay kailangan ang translation sa wikang italyano at ito ay tinatawag na ‘traduzione giurata’. Pagkatapos ng translation ay ang legalization na dapat gawin sa Tribunale. 

At ang huling hakbang ay ang pagsusumite ng dokumento sa awtoridad sa Italya na humihingi ng dokumento. (PGA)

Para sa Karagdagang impormasyon, narito ang FAQ.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

Sertipiko ng kaalaman sa wikang Italyano, kailangan din ba sa aplikasyon ng Italian citizenship by marriage?

Lombardia, arancione scuro hanggang March 14