in

Pinoy, naisalba ng Italian Coast Guard

Pinoy, naisalba ng Italian Coast Guard

San Cataldo sa probinsya ng Lecce – Isang 40-anyos na Pinoy ang naisalba sa sakuna ng mga miyembro ng italian coast guard matapos itong malagay sa alanganin nang tumaob ang kanyang sinasakyang lunday.

Ayos sa mga report, napansin umano ng mga tao na malapit sa dalampasigan ang hirap na lalaki na waring humihingi na tulong at tinatangkang bumalik sa mas mababaw na lugar. Agad na naitimbre sa emergency hotline ang pangyayari at sinabi sa kabilang linya na agad na magpapadala ng speedboat. 

Ayon naman sa mga nakapatrol na mga alagad ng coast guard, sa mga sandaling iyon ay hindi na maaaring antayin pa ang pagdating ng motovedetta at panoorin na lamang ang pinoy. Agad na umaksyon ang mga ito gamit ang pinakamalapit na bangka. 

Nangyari ang insidenteng ito noong linggo, ika-25 ng abril di kalayuan sa Lido Ponticello Beach resort. Ang pangyayari ay maaring dala ng masamang panahon ng araw na yon. Hindi naman nawalan ng malay ang pinoy, bagay na positibo para sa mga sumaklolo. Agad na dumating ang isang team ng mga doktor upang siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang pinoy. Wala naman ibang ininda ang pinoy kundi ang lamig ng katawan at kaba at sobrang pagod na dala ng bangungot na kanyang naranasan. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Episodyo ng pagkahulog mula sa mataas na palapag, naulit sa Milano

Italian Citizenship ministry of interior Ako Ay Pilipino

Nais malaman ang estado ng aplikasyon ng Italian citizenship? Narito kung paano.