in

Pagtaas sa halaga ng Assegno al Nucleo Familiare, simula July 1, 2021

Bukod sa assegno unico, isa sa mga balitang hatid ng inaprubahang decreto kamakailan ng gobyerno ni Draghi ay ang pagtaas sa halaga ng assegno al nucleo familiare o ang ANF. 

Simula sa July 1, 2021, ay kailangang i-renew ang aplikasyon ng assegno al nucleo familiare. Ngunit hindi katulad sa mga nakaraang taon na ang pagtanggap ng benepisyo ay mula July 1 hanggang June 30 ng susunod na taon, ngayong taon, ito ay matatanggap mula July 1 hanggang December 31, 2021 lamang. Dahil simula sa January 1, 2022, ay inaasahang iisang benepisyo na lamang ang matatanggap para sa mga anak, ang assegno unico e universale.

Samantala, bukod sa pagkilala sa assegno unico sa mga pamilyang hindi nakatanggap ng assegno al nucleo familiare, ay magkakaroon din ng bahagyang pagtaas sa halaga ng ANF. 

Sa 4 na milyong nakatatanggap ng ANF ay nasasaad ang:

  • Isang pagtaas ng € 37,50 kada buwan bawat anak, sa kaso ng isa o dalawang menor de edad;
  • Isang pagtaas ng € 55,00 kada buwan bawat anak sa kaso ng tatlo o higit na menor de edad.

Samakatwid, ang isang pamliya na mayroong dalawang anak ay makakatanggap ng pagtaas katumabs ng € 75,00, habang ang mayroong tatlong anak ay makakatanggap naman ng € 165,00. 

Ang nabanggit na pagtaas ay inaasahang idagdag sa halaga ng ANF na nakatalaga hanggang June 30, 2021. 

Assegni familiari: paano matatanggap ang karagdagang halaga? 

Ang increase o karagdagang halaga ng assegno al nucleo familiare ay inaasahang awtomatikong matatanggap ng mga lavoratori dipendenti na kwalipikadong tumanggap ng ANF. Tulad sa nakaraan, sapat na ang gawin ang aplikasyon nito simula July 1, 2021, sa pamamagitan ng mga patronati. 

Halaga ng assegno unico 

Para naman sa assegno unico, ang halagang matatanggap ng mga pamilya ay batay sa halaga ng ISEE. Ito ay maaaring magmula sa €167,50 para sa isang anak, € 355,00 para sa dalawang anak at € 653,00 para sa tatlong anak, para sa ISEE hanggang €7,000.00. Ang halaga ay magiging kalahati kung ang ISEE ay €15,000 at mababawasan pa ng karagdagang €30,00 kada anak sa humigit kumulang na €40,000 ISEE. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.5]

Maaari bang pumili sa Assegno unico at Assegno al nucleo familiare (ANF)?

Vaccination rate sa Europa, mababa pa – WHO