in

Simula June 14 at 15, ang mga regulasyon sa zona gialla at zona bianca

Mula reception at mga private occasions hanggang sa pagbubukas ng mga theme park, pagbabalik ng mga trade shows at ang oras curfew sa zona gialla. Narito ang mga regulasyon sa zona gialla at zona Bianca simula June 14 at 15.

Zona bianca

Simula sa June 14 ay nadagdagan ang mga rehiyon sa zona bianca: 

Friuli Venezia Giulia, Molise, Sardegna, Abruzzo, Liguria, Umbria, VenetoEmilia Romagna, Lazio, Lombardia, Piemonte, Puglia at PA di Trento. 

Regulasyon sa mga Rehiyon sa zona bianca

  • Wala ng curfew;
  • Lahat ng mga aktibidad ay may pahintulot na sa pagbubukas tulad ng swimming pools sa indoors, thermal baths (terme), SPA, cultural associations, sale scommesse at bingo houses, maliban sa mga disco houses na inaasahang magbubukas simula July 1, 2021. 
  • Hanggang June 21, sa loob ng mga bars at restuarants ay may limitasyon hanggang 6 na katao lamang na hindi magkakasama sa bahagy o ‘non convivienti’ ang maaaring magsama-sama sa iisang table;
  • Nananatiling obligasyon ang pagsusuot ng mask sa indoor at outdoor. 

Zona gialla 

Nananatili sa zona gialla ang mga sumusunod na Rehiyon: 

Sicilia, Marche, Toscana, PA di Bolzano, Calabria, Basilicata, Campania at Valle d’Aosta

Regulasyon sa mga Rehiyon sa zona gialla

  • Sa mga nabanggit na Rehiyon ay nananatili ang oras ng curfew mula 12:00 am. Samakatwid, ang paglabas ng bahay ng walang anumang dahilan (kalusugan, trabaho, emerhensya at pangangailangan) ay nananatiling ipinagbabawal simula 12:00am hanggang 5:00am
  • Ang curfew ay tuluyang matatanggal lamang sa June 21 sa zona gialla.
  • Ang mga bars at restaurants ay maaaring manatiling bukas hanggang 12:00am, tulad ng nasasaad sa decreto riapertura bis. 
  • Simula June 15, ay magbubukas na din ang mga theme parks sa zona gialla. 
  • Mananatiling sarado naman ang mga SPA, thermal baths, indoor swimming pools (habang bukas na ang mga outdoor pools), recreational associations, centro scomesse at sale bingo. Ang mga nabanggit ay magbubukas sa zona gialla sa July 1. 

Reception at mga malalaking okasyon tulad ng kasal  

At ang decreto riaperture simula June 15, 2021 ay muling nagbibigay pahintulot sa pagdiriwang ng mga salu-salo, handaan o receptionindoor at outdoor, sa mga rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla at bianca.

Ngunit kasabay nito ay nasasaad din sa decreto ang mga kundisyon sa pagbabalik ng mga handaan. 

Una na dito ang pagkakaroon ng ‘green pass’ ng mga bisita. Samakatwid, bawat bisita ay kailangang mayroong sertipiko na maaaring 3 uri: 

  • Vaccination certificate;
  • negative covid test result – molecular o rapid test – 48 hrs bago ang handaan; 
  • ASL certificate kung saan nasasaad ang pagtatapos ng isolation at paggaling sa karamdamang covid19.

Kailangan din ang pagkakaroon ng tinatawag na Covid manager ng syang sisigurado na nasusunod ang mga ipinatutupad na health protocols, mula sa assembramento at pagsusuot ng mask. 

Kakailanganin ang pagkakaroon ng isang listahan ng mga bisita na itatabi ng Covid manager ng 14 na araw para sa contact tracing kung kakailanganin. 

Bukod dito ay kailangan ang pagsusuot ng mask, partikular sa indoor reception. 

Ang pagkain ay kailangang i-serve sa bawat bisita. 

Ang pagitan ng bawat table ay 2 metro, at bawat table ay may maximum na 4 katao lamang. 

Kung mayroong live music, ay kailangan ang distansya sa publiko ng 3 metro. 

Gayunpaman, ay walang limitasyon sa bilang ng mga imbitado o guests. Ito at batay sa laki ng venue ng reception. 

Kailangan ding siguraduhin ang madalas na pagpapalit ng hangin sa loob ng silid kung saan may handaan. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

“Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at paghilom ng Bayan.”

Iscrizione anagrafica, bakit ito mahalaga?