in

Colf, tinanggal sa trabaho sa panahon ng pandemya. Naaayon ba sa batas?

Maraming colf at caregivers ang nawalan ng trabaho sa Italya sa panahon ng covid19. Ito ba ay pinahihintulutan ng batas?

Ang ‘Blocco Licenziamenti’ o ang Pagbabawal Magtanggal sa trabaho sa panahon ng krisis ng Covid19 ay hindi sakop ang domestic sector.

Dahil dito ang mga pamilya na nais ihinto ang employment ay maaaring gawin ito kahit sa panahon ng emerhensya tulad ng Covid19 o pandemya.

Ipinapayao lamang na siguraduhin na susundin ang mga nasasaad sa batas tulad ng pagbibigay ng araw ng abisopagbibigay ng TFR (Trattamento Fine Rapporto) o Separation pay, pagbabayad ng ferie (non godute) at ang ilang buwang tredicesima hanggang sa panahon ng pagtatanggal sa trabaho.  

Bilang ng araw ng Abiso 

Ang abiso, sa kaso ng licenziamento sa colf at caregivers, ay nag-iiba ang bilang ng araw batay sa tagal ng serbisyo sa employer. Partikular:

– kung ang kontrata ay higit sa 25 hrs per wk, ang araw ng abiso ay: 

1)  15 araw (7.5 sa resignation) hanggang 5 yrs na anzianità o haba ng panahon sa trabaho;

2)  30 araw (15 sa resignation) higit sa 5 taong anzianità sa trabaho;

– kung ang kontrata ay mas mababa sa 25 hrs per wk, ang araw ng abiso ay

1) 8 araw kung ang anzianità sa trabaho ay mas mababa sa 2 taon;

2) 15 araw kung ang anzianità sa trabaho ay mas mataas sa 2 taon.

Ang mga workers na may sapat na requirements ay maaaring mag-aplay ng Naspi o ang unemployment benefit. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Sant’Egidio, nagbukas ng vaccination center para sa mga walang tessera sanitaria

Colf, nag-positibo sa Covid? Extended ang tulong pinansyal ng CassaColf