in

Pinoy, arestado sa Roma dahil sa shabu

Isa na namang Pinoy sa Roma ang sangkot sa ipinagbabawal na droga, ang shabu. 

Arestado ang isang Pilipino, residente sa Roma, matapos mahulihan ng mga alagad ng batas ng halos 100 gramo ng shabu kamakailan.

Ang 51 anyos ay sinusubaybayan na ng mga militar at naghintay lamang ng tamang pagkakataon. Upang makumpirma ang paghihinalang pagtutulak ng suspek ay kinontrol ang pinoy. Hindi nagkamali ang mga alagad ng batas dahil halos 53 gramong shabu ang natagpuang dala-dala nito. 

Samantala, sa ginawang raid sa tahanan nito sa Primavalle sa Roma ay natagpuan din ang 11 gramo ng shabu na nakatago sa TV cabinet. At 33 gramo ng shabu naman ang natagpuang nakatago sa locker nito sa pescheria kung saan nagta-trabaho.

Sinampahan na ng kaso ang pinoy kaugnay ng pagkakasangkot nito sa illegal drug trade at kasalukuyang naka-house arrest.  

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.3]

Limang taong gulang, ang unang batang binakunahan kontra Covid19 sa Italya

Pinoy nurse, trending sa Italy sa pagsalba sa buhay ng isang kabataang Italyano