in

Sino si Giorgia Meloni? 

Ang 45 anyos na si Giorgia Meloni, isang professional journalist at leader ng Fratelli d’Italia, ay ang unang babaeng Punong Ministro sa kasaysayan ng Italya. Mula sa Roma, lumaki sa Garbatella at nagtapos ng liceo linguistico. 

Nagsimulang pumasok sa politika sa edad na 20 sa pamamagitan ng pagiging student leader ng partido ng Alleanza Nazionale. Pagkalipas ng dalawang taon ay itinalagang youth national leader ng Azione Giovani, ang youth organization ng Alleanza Nazionale.

Pagkatapos ay sumali sa Giovane Italya sa panahong ang Alleanza Nazionale at Forza Italia ay sumali sa Popolo della libertà. 

Noong 2006, sa edad na 29 si Meloni ang pinakabatang nahalal sa Parliyamento. Mula 2006 hanggang 2008 ay isa sa mga vice presidents ng Lower house. Itinalagang Minister of Youth noong 2008 sa ilalim ng pamumuno ni Silvio Berlusconi. Siya ang pinakabata na naging ministro na naitala sa kasaysayan ng Italya. Sa pagtatapos ng Popolo della libertà at pagsilang ng Forza Italia, ang partido ni Silvio Berlusconi ay tuluyang nawala ang Alleanza Nazionale.

Pagkakataong sinamantala si Meloni upang itatag ang Fratelli d’Italia noong 2012 kasama sina Ignazio La Russa (ang Senate president ngayon) at Guido Crosetto (ang Defence Minister ngayon). Sa katunayan, ang simbolo ng partido ay pinapanatili ang identity ng Alleanza Nazionale, o ang tatlong kulay na apoy (berde, puti at pula) na bahagi ng Italian Social Movement, ang post-fascist party.

Tumakbo siya bilang alkalde ng Roma noong 2016. Sa political elections noong 2018, ang Fratelli d’Italia ay lumabas bilang ikatlong partido ng center-right coalition, matapos ang Forza Italia at Lega. Sa katatapos lamang na lehislatura, matatandaang ang Fratelli d’Italia ay ang nag-iisang oposisyon sa gobyerno na pinamunuan ni Mario Draghi, isang technocrat na ang layunin ay maiahon ang Italya sa krisis sa kalusugan at ekonomiya na dulot ng pandemya ng Covid-19. 

Tanging oposisyon na nagdala kay Giorgia Meloni at kanyang partido, ang Fratelli d’Italia, bilang nangungunang partido sa bansa sa katatapos lamang na general election. 

Noong 2021, isinulat ni Meloni ang isang autobiographical book, “Io sono Giorgia” na naging best seller sa bansa. 

Bukod sa pagiging unang babae bilang Punong Ministro, nagtala din sa kasaysayan ng Italya bilang isa sa pinakamabilis sa pagkakabuo ng kanyang gabineto: dalawampu’t pitong (27) araw makalipas ang eleksyon noong September 25. Matatandaang si Giuseppe Conte noong 2018 ay lumipas ang 89 araw bago nabuo ang kanyang gobyerno.  

Bukas, October 25, 2022, ay nakatakda unang ang vote of confidence ng governo Meloni sa lower house. 

Giorgia Meloni: Karapatan at Kababaihan 

Walang binanggit sa programa ni Meloni (para sa Eleksyon noong nakaraang September) ang mga tema ng citizenship, euthanasia at cannabis

Ukol sa imigrasyon ay nilinaw ni Meloni ang pagbabantay sa national at European borders, siguraduhin ang border control at hadlangan ang mass migration. Ang mga hotspot na pinamamahalaan ng European Union ay gagawin sa mga non-EU countries upang masuri ang mga aplikasyon ng mga refugees at patas na maibahagi ang mga may karapatan sa status sa 27 Member States. Nangako din si Meloni na hahadlangan ang mga NGOs na pumapabor sa iligal na imigrasyon .

Tungkol sa LGBTQI+ at mga karapatan ng kababaihan, hangad niya ang labanan ang anumang uri ng diskriminasyon batay sa sexual and sentimental choices at ang pagpapanatili ng batas sa civil union. Kasabay nito, ang pagbabawal ng lgbt parenting at ang paglaban sa anumang anyo ng gestational surrogacy. 

Para sa gender equality, ipinangako niya na tatanggalin ang agwat sa sahod at haharapin ang patas na sahod sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan pati ang pink tax o ang pagpapataw ng mas mataas na presyo sa mga produkto para sa mga kababaihan. 

Babaguhin at palalakasin ang batas ng Red Code sa domestic at gender-basedviolence. Habang ukol sa aborsyon, ay ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng Batas 194 ng 1978 ukol sa prevention at voluntary interruption of pregnancy. Bukod dito ang pagpapabigat ng mga parusa para sa forced marriages at female genital mutilation. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Autocertificazione para sa €150 bonus, ang sample mula sa INPS 

Bonus Occhiali, narito ang mga dapat malaman