Nanguna ang lalawigan ng Bologna sa taunang qualify-of-life ranking ng Il Sole 24 Ore.
Ito ang ikalimang pagkakataon sa loob ng 33 taon na ang lalawigan sa Emilia Romagna ay nanguna, matapos itong umakyat ng limang posisyon mula noong 2021.
Sumunod naman ang mga lalawigan ng Bolzano at Florence.
Makikita sa ranking ng Il Sole 24 Ore ang malalang epekto ng digmaan sa Ukraine at ng cost-of-living crisis sa mga big cities ng bansa.
Halimbawa, mula ikalawa ay bumagsak sa ikawalong posisyon ang Milan. Bumagsak din ng 18 posisyon ang Rome at naging ika-31. Mula ika-12 ay bumagsak din sa ika- 40 posisyon ang Torino.
Ang Napoli, ay bumaba din ng walong posisyin at naging ika-98.
Ang survey ay ginagawa taun-taon ng Il Sole 24 Ore upang alamin ang qualify-of-life sa mga pangunahing lugar sa Italya. Ang survey ay batay sa 90 indicators, ngunit ngayong 2022, 40 indicators ang in-update. Hindi lamang dahil sa mga epekto ng pandemya kundi dahil pati sa kasalukuyang digmaan sa Ukraine: ang mga unang senyales ng recession, patuloy na pagtaas ng inflation at ang mataas na halaga ng enerhiya na naglalagay ng mga pamilya at mga negosyo sa higit na kahirapan. Ang lahat ng mga nabanggit, ay hindi lamang ginawang mas kumplikado ang pamumuhay sa buong bansa, ngunit pinalaki din ang agwat sa pagitan ng South Italy at ng iba pang mga lugar sa bansa.