in

Rejected ang aplikasyon ng nulla osta? Ano ang dapat gawin? 

Ang bawat administrative procedures na nagsisimula sa pamamagitan ng aplikasyon (samakatwid kasama ang mga aplikasyon para sa nulla osta al lavoro) ay nagtatapos sa isang desisyon at ito ay dapat na matanggap sa pamamagitan ng isang komunikasyon.

Sa kasong ang aplikasyon para sa nulla osta sa pagpasok ng isang dayuhan sa bansa, ang concerned Prefecture ang magpapadala ng “Komunikasyon alinsunod sa artikulo 10bis, Law 241/1990” o ang tinatawag na “preavviso di rigetto” o “notice of rejection” na isang registered mail kung saan ipinahahayag ang pinal na desisyon at samakatwid ang pagtanggi sa aplikasyon.

Ang abiso ay maaaring dahil sa simpleng kakulangan ng dokumentasyon o sa pagkakaroon ng tinatawag na mga hadlang sa pagtanggap ng aplikasyon (hal.: required salary, pagkakaroon ng criminal record, kawalan ng patunay ng relasyon sa pamilya at iba pa).

Dahil dito, ang komunikasyong nabanggit ay napakahalaga: tulad ng nasasaad sa liham, ang aplikante ay binibigyan ng 10 araw na deadline upang ipadala ang kanyang depensa o mga dokumentasyon, na posibleng ilakip sa aplikasyon o magbigay ng mga dahilan bilang deffensive motvation para tanggapin ang aplikasyon.

Mahalagang tandaan na kahit walang deadline, ay mas makakabuti pa ring sumagot – kahit sa tulong ng isang abogado – sa lalong madaling panahon, lakip ang mga patunay o karagdagang dokumentasyon, dahil maaaring isara ng Administrasyon ang pagsusuri sa aplikasyon makalipas ang 10 araw mula sa komunikasyon .

Sa kasong ito, kailangang isaalang-alang ng Prefecture ang mga karagdagang dokumentasyon at ang pinal na desisyon sakaling tanggihan ang pag-iisyu ng nulla osta ay dapat magkaroon ng motibasyon, batay sa pagiging hindi lehitimo ng pagtanggi, na maaaring gamitin sa harap ng hukuman. (Atty. Federica Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi sa domestic sector, isinusulong ng ASSINDATCOLF

Italya, inaprubahan ang paggamit ng harina na gawa sa ilang insekto