in

Bonus Estate para sa mga empleyado sa sektor ng turismo

Sa papalapit na Summer, isang bagong bonus ang inaasahang matatanggap ng mga empleyado sa sektor ng turismo. 

Ito ay ang ‘bonus estate’ na isang agevolazione na napapaloob sa isang amendment sa decreto Lavoro. Ito ay inaprubahan ng Social Affairs Commission ng Senado at layuning matugunan ang naitalang problema sa kakulangan ng mga empleyado sa sektor. 

Ayon sa susog, ang mga empleyado sa pribadong sektor na may kita na hindi hihigit sa €40,000 noong 2022 ay makakatanggap ng karagdagang sahod para sa mga night shift at overtime.

Sa katunayan, ayon pa sa susog, mula June 1 hanggang September 21, 2023, sa mga empleyado sa turismo ay kikilalanin ang isang special supplementary treatment na 15% ng gross income para sa mga night shifts at overtime. Ang mga empleyadong sektor na ang kita ay hindi hihigit sa €40,000 noong 2022 ay makakatanggap ng bonus estate.

Ito ay upang magarantiya ang employment stability at mapunan ang lack of employment sa sektor ng turismo, hospitality at spa.

Gayunpaman, nananatiling lilinawin pa kung kailan matatanggap ang nabanggit na bonus at kung sino ang magkakalkula ng mga halagang dapat ibigay sa mga manggagawa. 

Sa kabuuan, tinatayang aabot sa € 54.7M ang kabuuang halaga ng bonus na ibibigay sa pribadong sektor. 

Kaugnay nito, ayon sa ulat ng Excelsior Information System, na ginawa ng Unioncamere at Anpal, sa Italya inaasahang papalo sa higit sa kalahating milyon (568 libo) ang hiring sa buwan ng Hunyo at aabot sa 1.4M sa Agosto, at nangunguna sa listahan ang sektor ng turismo. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Long-Stay Permit Renewal Deadline by August 3, 2023

Beneficiaries ng Carta Risparmio Spesa 2023, inilathala sa mga pangunahing lungsod sa Italya