Matapos maisumite ang aplikasyon para sa nulla osta ng Decreto flussi ay mahalagang alam kung paano malalaman ang status nito at kung gaano katagal ang kinakailangang panahon ng Ministry of Interior para tuluyang mai-release ang nulla osta o work permit sa Italya.
Ang status ng aplikasyon ay maaaring malaman sa pamamagitan ng website https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliSportello/ali/home.htm, gamit ang digital identity o SPID ng employer na nagpadala ng aplikasyon. Ang worker na dayuhan ay hindi maaaring gamitin ang sariling digital identity upang malaman ang status ng aplikasyon.
Matapos ang access, sa section ng Sportello Unico Immigrazione, i-click ang Comunicazione, kung saan makikita ang anumang komunikasyon mula sa Prefettura tulad ng karagdagang dokumentasyon na dapat ilakip sa aplikasyon, kulang na datos o anumang uri ng komunikasyon – positiba o negatiba.
Maaari ring i-click ang Ricerca domanda at isulat ang numero identificativo ng aplikasyon upang malaman ang status nito.
Maging maagap at ipinapayong ugaliing kontrolin ang seksyong ito upang malaman ang status ng aplikasyon ng nulla osta ng Decreto Flussi.