Ang vitto e alloggio o mas kilala sa board and lodging ay obligado sa employment contract ng ilang kategorya sa domestic job.
Tandaan na ang board and lodging ay karaniwang ibinibigay o binabayaran ng employer kapag ito ay nasasaad sa CCNL o Collective Contract sa mga sumusunod na uri ng kontrata at kategorya.
Vitto e alloggio para sa mga Live in workers o Convivente
- Live-in colf na 54 hrs sa araw;
- Live-in night caregiver sa loob ng 40 o 48 hrs sa gabi.
Sa mga nabanggit, ang colf o caregiver, ay may 3 meals – agahan, tanghalin at hapunan – at natutulog sa bahay ng employer o ng inaalagaan at samakatwid ang gastusin ay sagot ng employer.
Sa ilang kaso, katulad ng bakasyon (ferie), holiday (festa), kalkulasyon ng 13th month pay, separating pay at iba pa, nasasaad sa CCNL ang replacement compensation bilang kapalit ng board and lodging. Ito ay ang pagbibigay ng katumbas na halaga nito sa worker.
Vitto e alloggio para sa mga non-Live in workers o non convivente (at least 6 continuous hours)
Sa mga kontrata na non-live in o non convivente, ang employer (batay sa napagkasunduang oras ng trabaho), ay maaaring ipaalam ang bawat araw kung kailan ang colf, caregiver o babysitter ay nag-trabaho na mas mataas sa 6 na oras. Sa mga ganitong kaso, ayon sa CCNL, isang meal ang iginugol ng worker sa workplace at samakatwid ay may karapatan ang worker sa vitto o board.
Ang meal ay dapat na bayaran ng employer sa mga araw na may karapatan dito ang worker batay sa nasasaad sa CCNL.
Basahin din: Lunch break sa domestic job, para din sa mga colf na hindi ‘conviventi’
Halaga ng board and lodging
Ang halaga ng board and lodging ay ina-update kasabay ng pagbabago sa cost of living sa bansa ng ISTAT.
Para sa taong 2023, ang halaga nito kada araw ay € 6,47 (€2,26 bawat meal at €1.95 para sa tirahan).